Ano-ano ang mga sistemang kolonyal ng mga Espanyol?
Explain one by one.
Magsagot po ng may KATALINUHAN dahil 50pts. to.
Alam kung nangangailangan ka ng poïnts pero wag mong kalimutan na hindi nito masasagot lahat ng modules natin asahan naman din natin utak natin.
Answers & Comments
Kasagutan;
Mga Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol
Ang sistemang Encomienda:
Sa pananakop ng mga Espanyol, ipinag-utos ng hari ng Spain na magkaroon ng kaayusan sa kapuluan. Bilang pagsunod sa utos ng hari, itinatag ni Legazpi ang sistemang encomienda. Nagsimula bilang encomienda ang mga lalawigan sa kapuluan.
_____________V●ᴥ●V____________
Ang encomienda ay isang paraan ng hari ng Spain ng mga lupain bilang gantimpala sa mga taong tumulong sa pagsakop ng iba't ibang lupain sa Pilipinas.
Ang salitang encomienda ay mula sa salitang espanyol na encomender na ang ibig sabihin ay ipagkatiwala.
_____________V●ᴥ●V____________
• Sa ilalim ng sistemang Encomienda, ipinagkatiwala ng hari sa isang opisyal na tinatawag na encomendero ang lupaing nasakop at ang mga katutubong nakatira roon.
Pangunahing Tungkulin ng Isang Encomendero;
,⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️
✓Mangasiwa sa pangongolekta ng tribute mula sa mga mamamayan.
✓ Panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa nasasakupan.
✓ Ituro ang kulturang Espanyol sa kanyang nasasakupan.
✓ Tulungan ang mga misyonero sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa encomienda.
____________________________
Ang Tributo
Ang Tributo ay ang buwis na sinisingil ng mga encomendero sa mga mamamayan. Ito rin ang tanda ng pagkilala ng mga mamamayan sa kapangyarihan ng Spain. Kahawig din nito ang buwis.
Ang tawag sa mga tagasingil ng tributo ay cobrador-de-tributo.
Buwis para sa relihiyon;
• diezos prediales o ikapu o tithe
• sanctorum
______________________________
Sapilitang Paggawa
Ang isa pa sa ipinatutupad ng mga Espanyol ay ang polo y servicio na isang anyo ng sapilitang paggawa.
___________V●ᴥ●V____________
Sa sistemang sapilitang paggawa o polo y servicio, lahat ng lalaking may edad 16 hanggang 60 at kinakailangang magtrabaho bilang polista nang walang bayad sa loob ng 40 araw bawat taon.
____________V●ᴥ●V______________
Tanging ang mga gobernadorcillo at mga mestisong Espanyol ang ligtas sa sapilitang paggawa. Kung may nagnanais na maligtas mula sa sapilitang paggawa ay kinakailangang magbayad ng buwis na tinatawag na falla.
Ang falla ay galing sa salitang Espanyol na falta na ang ibig sabihin ay pagliban o pakukulang. Ang halaga ng falla ay isa't kalahating real bawat araw sa loob ng 40 araw o 56 na reales.
#CarryOnLearning