Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng reporma o pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong Panahon ng mga Espanyol?
Naging mahalaga ito sa sistema ng ating edukasyon sapagkat, naitayo ang ilan sa mga ito:
Paaralang Primarya
Ito ay mga paaralang parokya na pinanga-ngasiwaan ng mga kura-paroko. Ang mga asignaturang itinuro sa mga paaralang ito ay relihiyon, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika, at paghahanapbuhay.
Paaralang Pambabae
Itinatag ang mga paaralang ito na maylayuning hubugin sa pagiging mabutingmaybahay ang mga kababaihan. Ang mgaasignaturang pinag-aralan ay ang Doctrina Cristiana, Latin, Kastila, Kasaysayan, Musika, Matematika, at Kagandahang Asal, at mga Sining Pantahanan.
Paaralang Normal
Ang mga ito ay nagkaloob ng katibayan sa pagtuturo matapos makapag-aral dito ng dalawang taon. Kaya noong 1865, isang paaralang normal para sa mga lalaki ang itinatag. Hindi nagtagal ay dumami ang bilang ng mgap aaralang ito at ang ilan ay binuksan paranaman sa mga kababaihang nais maging guro.
Paaralang Bayan
Sapilitan ang pagpasok sa mga paaralang ito at walang matrikula ang mga mag-aaral. Pinangangasiwaan ito ng kura paroko ng bawat bayan. Mga pamantasan ang mga nakapagtapos sa kolehiyo ay maaaring makapagpatuloy ng pag-aaral sa mga pamantasang itinatag ng mga prayleng Espanyol. Hindi nagtagal ay idinagdag ang mga kursong arkitektura, pagpipinta, at eskultura.
Answers & Comments
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng reporma o pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong Panahon ng mga Espanyol?
Naging mahalaga ito sa sistema ng ating edukasyon sapagkat, naitayo ang ilan sa mga ito:
Paaralang Primarya
Paaralang Pambabae
Paaralang Normal
Paaralang Bayan
ctto,,