Questions


October 2022 1 4 Report
Tama o mali

1. Itinatakda ang tiyak na lokasyon ng isang bansa sa pagtiyak ng eksaktong lokasyon sa kabesera nito sa pamamagitan ng longhitud at latitud.

2.Sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ay may karapatan ang isang bansang linangin ang mga teritoryong bahagi nito.

3. Ang teritoryo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing saklaw ng hurisdiksiyon nito.

4. Ang kailaliman ng dagat, maging ang kailaliman ng lupa ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas batay sa isinasaad ng kasaysayan.

5. Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelagong binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo.

6. Ang pulo ng Kalayaan o Spratly Islands ay hindi maituturing na kabilang sa sakop na teritoryo ng Pilipinas ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos.

7. Matatagpuan sa Silangang Asya ang Pilipinas.

8. Ang pakikialam ng mga dayuhan ay maiiwasan dahil sa pagtiyak ng pambansang teritoryo.

9. Bahagi ng teritoryo ng isang bansa ang taglay na ilog at mga lawa, ang bahaging dagat na nakapaligid sa kalupaan, at ang mga kalawakang itaas at katapat nito.

10. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng mga latitud 116 ˚ 40’ hanggang 126 ˚ 34’ silangang longhitud at mula 4 ˚40’ hanggang 21 ˚10’ hilagang latitude.

11. Magkaiba ang mga paaralan para sa kababaihan at kalalakihan noong panahon ng Espanyol.

12. Ang Rebolusyong Pranses ay nagdulot ng malaking takot sa mga Pilipino kaya't pinili na lamang nilang sundin ang mahigpit na pamamahala ng mga Espanyol.

13. Ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang uri ay nakatulong nang malaki sa pagsulong ng nasyonalismo sa bansa.

14. Si Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre ay kinakatakutan ng maraming Pilipino dahil sa pagiging malupit nito.

15. Sa pagpapatibay ng Dekreto ng Edukasyon ng 1863, nagsimulang magkaroon ang mga Pilipino ng karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol.

16. Sa pamamagitan ng Suez Canal ay napaikli ang ruta ng paglalakbay sa pagitan ng Silangan at Kanluran.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.