Questions


September 2022 1 3 Report
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL A. ROXAS (1946-1948) Noong Hulyo 4, 1946, naging unang pangulo ng Ikatlong Republika si Manuel A. Roxas. Nagpatupad si Roxas ng mga programang pang-elektripikasyon, mga pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal, at pag- aanyaya sa mga dayuhang kapitalista gaya ng mga Amerikano na magtayo ng kanilang negosyo dito sa bansa. Sa panahon ni Roxas nagkaroon ng Treaty of General Relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ipinatupad din ang Parity Rights na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa paggamit ng mga likas na yaman ng bansa sa mga gawaing pang-industriya. Ang Bell Trade Act of 1946 at Tydings Rehabilitation Act of 1946 ay ilan sa mga batas na nilagdaan ng mga Amerikano para sa mga Pilipino noong panahon ng panunungkulan ni Pangulong Roxas. Ito ay nagtatadhana ng pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados. Sa ilalim ng kasunduan, ang mga taripa sa iba't ibang produktong Amerikano at Pilipino ay taunang madaragdagan ng 5% hanggang maging 100 % pagsapit ng 1974. ANG PAMAMAHALA NI ELPIDIO QUIRINO (1949-1953) Ikalawang pangulo naman ng Ikatlong Republika si Elpidio Quirino nang humalili siya sa yumaong Pangulong Roxas pagkatapos manalo sa halalan noong Nobyembre 9, 1948. Sa panahon ni Pangulong Quirino, maraming naitatag na programa gaya ng PACSA (Presidential Action Committee on Social Amelioration) na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pamilya lalo na sa panahon ng kalamidad, at ACCFA (Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration) upang tumulong sa mga magsasaka na maipagbili ang kanilang mga produkto. Naitayo rin ang mga bangko sa mga lalawigan upang magpautang ng puhunang salapi sa mga magsasaka. Pinagtibay din niya ang batas na may kinalaman sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa at mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa Asya. MGA GAWAIN: a. Ibigay ang mga programang ipinatupad ni Pang. Roxas upang isulong ang industriya ng bansa. 1. 2. 3. b. Sa iyong palagay, may mabuting naidulot ba sa mga Pilipino ang mga patakarang pinairal sa panahon ni Pang. Roxas? Bakit? (10 pts)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.