Questions


October 2022 1 4 Report
Nilalaman PAGBIBIGAY LAGOM O BUOD SA KUWENTONG NAPAKINGGAN Ang sarimanok ay isang mahalagang sagisag ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao Simbolo ito ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan at karangalan Nagmula ang Sarimanok sa isang Islamikong Alamat Maraming kuwentong bayan tungkol sa sarimanok. Narito ang isa sa mga ito. May kaisa-isang anak na dalaga ang Sultan ng Maranao sa Lanao, si Sari. Siya ay maganda, mabait, magalang at matulungin. Kaya naman mahal na mahal ng sultan at ng mga tao si Sari. Nang sumapit ang ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking piging sa kanilang malawak na bakuran ang inihandog ng sultan para sa kaniyang pinakamamahal na anak. Nagagayakan ang buong paligid. Marangya at masagana ang inihandang salo-salo. Nagkasiyahan ang lahat ng biglang lumitaw ang isang napakalaking tandang. Namangha ang balana.Humanga sila sa magarang tindig ng manok. Lalo pa silang namangha nang sa isang iglap ay nagbago ito ng anyo: naging isa itong napakakisig na prinsipe. Magalang itong bumati sa lahat at pagkatapos ay nagsalita ng malakas " Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay matagal ko nang inaalagaan, binabantayan at minamahal." Sa labis na pagkagulat, walang nakakilos o nakapagsalita man lamang sa mga naroon. Muling nag-anyong tandang ang mahiwagang prinsipe at kinuha nito ang dalaga. Lumipad ito pataas. Mula noon ay hindi na nakita pa si Sari at ang manok. Hinintay ng sultan ang pagbabalik ni Sari at ng manok, ngunit hindi na sila nagbalik. Iniutos ng sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na ililok sa kahoy ang anyo ng magilas na tandang na tumangay sa kaniyang anak. Tinawag niya itong sarimanok at naging simbolo ito ng tribu. Gawain Panuto: Sumulat ng maikling buod tungkol sa "Sarimanok".​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.