Questions


September 2022 1 0 Report
Ang Pagwawakas ng Batas Militar sa Pilipinas
Umiral ang Batas Militar sa bansa nang mahigit walong taon. Ang ganap na kapangyarihan ng
pamahalaan ng bansa ay nasa kamay ni Marcos sa tulong ng militar. Sa panahon ng kaniyang pagiging diktador
ay lumaganap ang paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabusong militar. Ang pag-aresto o
pagdakip sa mga kritiko at kalaban ng pamahalaan ay nagpatuloy sa kabila ng pagtutol ng mga tao.
Ang paggamit ni Marcos ng kanyang kapangyarihan sa pagdedeklara ng Batas Militar ay hindi naibigan ng
maraming Pilipino. Isa na rito si Senador Benigno S. Aquino Jr. Hindi niya tinanggap ang Batas Militar sapagkat
naniniwala siyang ito ay ginawa ni Marcos upang mapahaba o mapatagal pa ang kaniyang panunungkulan
bilang pinakamataas na pinuno ng bansa. Nais lang daw niyang manatili pa rin sa tungkulin pagkalipas ng taong
1973.
Ang paghuli o pagpaslang sa mga pulitikong kalaban niya sa politika at mga komentarista sa radio at
telebisyon na tumuligsa sa kaniya ay isa sa mga pangyayaring hindi lubos na maunawaan at matanggap ng mga
Pilipino. Maliban kay Senador Benigno Aquino Jr., kabilang sina Jose Diokno, ang mga mambabatas na sina
Roque Ablan, Rafael Aquino, David Puzon, at mga delegado ng Con-Con na sina Jose Concepcion, Teofisto
Guingona, Napoleon Rama, Alejandro Lichauco, at Ramon Mitra. Gayundin sina Teodoro Locsin, ang patnugot
ng "Philippines Free Press" at Joaquin "Chino Roces, ang patnugot ng "The Manila Times"; at mga mamamahayag
sa diyaryo na sina Amado Doronilla at Maximo Soliven.
Gayundin, hindi naging normal ang naging buhay ng mga Pilipino sapagkat ipinasara ni Marcos ang lahat
ng pahayagan, radio at telebisyon. Pinangasiwaan din ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng mga
kakailanganin ng publiko tulad ng Philippine Long Distance Telephone, Co. (PLDT). Manila Electric Company
(Meralco), at mga sasakyang panghimpapawid. Ang ginawang pagkontrol ni Marcos sa media ay isa pa sa hindi
lubos na nagustuhan ng mga mamamayan. Tanging ang mga estasyon ng radio at telebisyong pag-aari ng
pamahalaan at mga mamamahayag na tapat sa Pangulong Marcos at sa kaniyang pamilya ang naririnig at
napapanood. Maging ang mga pahayagan ay kinontrol din ng pamahalaan.
Ang patuloy na paglaganap ng kahirapan ng bansa at paglaganap ng paglabag sa karapatang pantao
ang nagpasidhi sa damdamin ng mga kilusang tulad ng New People's Army (NPA) at Moro National Liberation
Front (MNLF) upang lumaban sa mapaniil na pamahalaan. Sa kabila rin ng pagbabawal ng pamahalaan, ilang
sektor din ng lipunan ang kumalaban sa administrasyon ni Marcos. Ang mga sanggunian ng mga mag-aaral
(Student Council) ay muling naitatag sa pangunguna ng ilang mga mag-aaral na nanawagan sa panunumbalik
ng malayang pamamahayag sa mga kolehiyo at pamantasan.
Winakasan ang Batas Militar noong ika-17 ng Enero, 1981 sa bisa ng Proklamasyon 2045. Ang pangunahing
dahilan ay ang pagbabalik ng kapayapaan at katahimikan ng bansa.
Aral na Natutuhan sa Pagpapatupad ng Batas- Militar
Ang pagpapatupad ng Batas-Militar ay nagbukas sa isipan ng mga Pilipino sa pagiging makapangyarihan ng
sangay ng tagapagpaganap ng batas. Ang paghawak ng kapangyarihan ng pangulo ay naging-daan upang
itatag ang pamahalaang awtoritaryan. Ngunit dahil sa pagtatatag na ito, ay nagising ang mga mamamayang
Pilipino. Nagkaroon sila ng kamalayan bilang mamamayan ng bansa. Batid nila ang pangangailangang
makilahok at bantayan ang karapatang pantao upang hindi na muling abusuhin ng mga makapangyarihang
lakas gaya ng militar.
Ang karanasan sa ilalim ng pagpapatupad ng Batas Militar ang nagbigay ng malaking aral sa mga Pilipino
upang hindi na muling maulit ang madilim na bahaging ito sa ating kasaysayan.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang araw sa Ikalawang Linggo)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa inyong pagkaunawa sa tekstong binasa sa itaas.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar
2. Bakit ninais ng mga mamamayang Pilipino na wakasan ang Batas Militar?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.