Questions


September 2022 2 1 Report
6. Mahigpit na pinatutupad ang pagsusuot ng face mask lalo sa tuwing lalabas ng bahay. Nakita
mong lumabas ang iyong tatay na walang suot na face mask, paano mo ipakikita ang tungkuling
pagsunod sa batas?

a. Ipaalala sa tatay na huwag na lamang siyang dumaan sa may checkpoint upang hindi siya
masita.

b. Kumuha ng malinis na facemask at iabot ito sa tatay, ipaalala na palagian niya itong isuot.

c. Hayaan na lamang si tatay na wala itong suot na facemask

d. Isumbong si tatay sa tanod na wala siyang suot na facemask.

7. Pinagbabawal sa lugar niyo ang paglabas ng mga bata dahil sa pandemic na
nararanasan ngayon. Nais mong pumunta sa bahay ng kaibigan mo dahil
kaarawan nito. Ano ang gagawin mo?

a. Tumakbo papunta sa bahay ng kaibigan mo upang hindi ka mapansin.

b. Sabihan ang kaibigan na siya na lamang ang pumunta sa bahay niyo.

c. Magpasama na lamang sa ate na pumunta sa bahay ng kaibigan mo.

d. Gawan na lamang ng sulat pagbati ang kaibigan at ipabot ito sa ate mo.

8. Sinabi ng kaibigan mo na hindi na siya mag-aaral ngayong taon dahil
nawalan ng trabaho ang kaniyang ama ngayong may pandemya. Ano ang
maipapayo mo?

a. Tulungan na lamang ang kaibigan magbasa at sumulat.

b. Sabihin sa kaibigan na mag-enrol sa iyong paaralan dahil ito naman ay
libre para sa lahat.

c. Hikayatin ang kaibigan na maghanap ng trabaho.

d. Humingi ng tulong sa magulang upang mabigyan ang kaibigan ng perang
pang-enrol.

9. Nagyayaya ang kuya mo na maligo sa tabing dagat ngayong
nakararanas tayo ng pandemya. Ano ang gagawin mo?

a. Sasama kay kuya upang maligo.

b. Sabihan na hindi ka pwedeng sumama dahil hindi pa
pinapayagang lumabas ang mga bata sa lugar niyo.

c. Samahan na lamang si kuya ngunit sabihan na hindi ka maliligo sa
dagat.

d. Yayain ang mga kaibigan na sumama sa inyo.

10. May nakitang sanggol sa tabi ng basurahan sa barangay niyo.
Napag-alaman mo na iniwan ito ng kaniyang ina dahil hindi niya ito
kayang alagaan. Anong karapatan ng sanggol ang nilabag ng ina?

a. Karapatang mabuhay at mabigyan ng maayos na tahanan

b. Karapatang maipagtanggol ang sarili

c. Karapatang magkaroon ng sapat na pagkain

d. Karapatang mabigyan ng sapat na edukasyon

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.