Questions


October 2022 1 0 Report
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos na paggastos ng kita ng isang manggagawa?

A. Binibili ang mga pangunahing pangangailangan para sa pamilya.

B. Naglalaan ng savings para sa panghinaharap na gastusin.

C. Nagbubudget ng kita sa paglalaan ng mga gastusin sa pangunahing pangangailangan, savings at mga gastusin para sa kanyang mga kagustuhan.

D. Ginagamit ang kita bilang paraan sa pagbuo ng panibagong pagkakakitaan o Negosyo.



7. Paano nakatulong sa produksyon ang mga online selling application sa mga lokal na producer?

A. Madaling naipapakilala ang kanilang mga produkto.

B. Mas lumaki ang kanilang benta at kita dahil sa mga ito.

C. Naging daan ito upang makalikha ng trabaho para sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya gaya ng pagiging isang delivery man ng mga produkto para sa mga local na producer.

D. Mas napabilis ang paghahatid serbisyo o produkto sa mga mamimili.



8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kapital bilang salik ng produksyon?

A. Kung walang kapital, walang panggastos sa salik ng produksyon.

B. Ito ay maaaring tumukoy sa pera bilang panimula sa pagtatayo ng isang negosyo.

C. Ito ay tumutukoy sa physical capital o mga makinarya sa paggawa ng produkto, social overhead capital o mga imprastruktura at human capital o mga kakayanan at kaalaman ng mga tao sa paglikha ng produkto.

D. Ito ay tumutukoy bilang isang paraan ng pamumuhunan.







9. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagiging underemployed ng mga manggagawa sa panahon ng pandemya?

A. Dahil sa kakulangan ng oportunidad na makapag-apply sa posisyon na kanilang nais ay napipilitan silang pumasok sa gawain na kanilang hindi propesyon.

B. Dahil sa mataas na qualification ng mga kompanya kung kaya ay nahihirapan ang mga naghahanap ng trabaho na makapasok sa posisyon na kanilang nais pasukin.

C. Dahil sa pagsasara ng ibat ibang negosyo ay napilitan ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho na magahanap ng pagkakakitaan kahit na hindi ito naaayon sa kanilang tinapos na kurso.

D. Mas naging kompetitibo sa panahon ng pandmeya ang qualification para sa mga hinahanap na mga mangagawa sa bawat posisyon sa Negosyo.



10. Alin ang maaaring epekto ng kawalan ng trabaho ating lipunan at ekonomiya?

A. Tumataas ang unemployment rate ng bansa.

B. Nababawasan ang pambansang kita at produksyon ng ekonomiya dahil walang kita ang mga tao.

C. Maaaring magdulot ng pagtaas ng poverty rate sa bansa at magdulot ng pagkakaroon ng mga insidente ng krimen.

D. Nagiging pasanin ng lipunan ang taong walang trabaho at nagdudulot ng pagbaba ng pagtingin sa sarili.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.