Questions


October 2022 1 0 Report
1. Paano maipaliliwanag ang konsepto ng produksiyon?

A. Ito ay proseso sa paglikha ng mga produkto at serbsiyo.

B. Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng mga input upang makalikha ng output.

C. Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nangangailangan ng salik ng lupa, lakas, paggawa, kapital at kakayanan ng entrepreneur.

D. Ito ay gawaing pang-ekononomiya na kinakailangan sa pag-ikot ng daloy ng ekonomiya para sa pagpapalitan, distribusyon at pagkonsumo.



2. Bakit mahalaga ang lupa bilang salik ng produksyon?

A. Dahil dito nagmumula ang lahat ng likas na yaman na ginagamit sa produksiyon.

B. Dahil ang lupa ay isang lugar na maaaring pagtayuan ng isang bahay-kalakal o negosyo.

C. Dahil ito ay isang fixed na salik ng produksiyon na maaaring maubos at kinakailangan ng maayos at episyente na paggamit.

D. Dahil kung wala ang likas na yaman ay hindi magkakaroon ng mga output gaya ng walang sardinas kung walang isda, walang tomato sauce kung wala ang kamatis at walang asukal kung wlaa ang tubo.



3. Ano ang mahalagang gawin upang mabigyan ng pagpapahalaga ang mga manggagawa sa panahon ng pandemya?

A. Bigyan ng maayos na shuttle service upang masundo sa pinagmulan at maihatid nang ligtas sa kanyang trabaho.

B. Bigyan ng overtime pay at hazard pay kung ito ay lalagpas sa itinakdang oras at may banta sa kanyang kaligtasan ang pagtatrabaho.

C. Gawing prayoridad ang pagbibigay bakuna sa lahat ng manggagawa upang maging ligtas mula sa covid 19 virus at mas maging episyente sa kanilang mga gawain.

D. Bigyan oryentasyon tungkol sa nakakahawang sakit at tugunan ng ibat ibang mga heath kit na kinakailangan sa kanilang trabaho.



4. Ano ang gampanin ng isang entrepreneur sa sistema ng produksiyon?

A. Ito ang nangangasiwa sa pagsisimula ng negosyo.

B. Ito ang nag-uugnay ng mga salik ng produksyon upang magawa bilang isang ganap na produkto.

C. Sa kanya nagmumula ang inobasyon, pagbabago at pagiging malikhain upang makalikha ng ibat ibang ganap na produkto.

D. Sa kanya nagmumula ang responsableng paggamit ng mga salik ng produksyon upang makagawa ng ganap na produkto gayundin ang pagsasaayos ng kita sa lahat ng aspeto ng negosyo o pakikipagkalakalan.

5. Paano naapektuhan ng pandemya ang sistema ng produksiyon sa ating ekonomiya?

A. Nagsara ang mga negosyo na naging dahilan sa pagbawas ng mga manggagawa at naging dahilan sa pagtaas ng antas ng unemployment sa ating bansa.

B. Nabigyan ng oportunidad ang mga lokal na producer a maipakilala ang kanilang produkto pamamagitan ng ibat ibang online selling application.

C. Naging malikhain at mas naging madiskarte ang mga Pilipino sa paran ng pagkakaroon ng kita upang matugunan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

D. Dahil sa pandemya ay mas napagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng sapat at maayos na pangangalaga sa ating mga likas na yaman upang mas maparami ito at matugunan ang pang-araw araw na pangangailangan ng tao.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.