1. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na
batong magaspang?
A. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko
C. Maagang Panahon ng Metal
D. Maunlad na Panahon ng Metal
2. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
A. tumira sa mga yungib
B. magsaka at mag-alaga nga hayop
C. mangaso at mangangalap ng pagkain
D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magaspang
3. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay ng sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. sibat
B. kampit
C. kutsilyo
D. pinggan
2
4. Ang tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika at pang ekonomiya ng mga Pilipino
noong pre-kolonyal.
A. siyudad
B. barangay
C. pamilya
D. lalawigan
5. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
A. aliping
B. timawa
C. maginoo o datu
D. manggagawa
6. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
A. bagani
B. bayani
C. pulis
D. sundalo
7. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao
maliban sa isa.
A. bomoto o pumili ng lider
B. magkaroon ng kayamanan
C. pagiging kapalit ng datu
D. pumili ng mapangangasawa
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong prekolonyal?
A. ari-arian
B. diborsyo
C. krimen
D. pag-aaral
9. Ito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
A. pananakop
B. pagbili o pagbabayad
C. sanduguan
D. pag eespiya
10. Siya ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na
kung may mga pagtitipon.
A. bagani
B. gat
C. lakan
D. umalohokan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.