Questions


October 2022 1 0 Report
1. Ano ang tawag sa konsepto na tumutukoy sa pinagkukunang yaman ng isang bansa na may kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo? A Ekonomiya
B. Kultura
C. Politika
D. Tradisyon

2. Ayon sa United Nations Women's Organization, anong bansa sa Silangang Asya na kahit mayaman at industriyalisado ay may pinakamababang bilang ng kababaihang mananaliksik?
A. China
B. Japan
C. South Korea
D. Taiwan

3. Saang bansa naitatag ang samahang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action o mas kilala sa tawag na GABRIELA?
A. Indonesia
B. Malaysia
C. Pilipinas
D. Singapore

4. Anong yunit o organisasyon ng United Nations ang nakatuon sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian at karapatan ng kababaihan?
A. World Health Organization B. International Labour Organization
C. United Nations Women's Organization
D. United Nations Department of Economic and Social Affairs

5. Anong samahan ang itinatag sa pangunguna nina Hiratsuka Raicho, Nogami Yaeko, at Iwasaki Chichiro na nagsusulong sa pagwawakas ng paggamit ng sandatahang nukleyar, karapatan ng bata, at pagkakaisa ng kababaihan para sa kapayapaang pandaigdig?

A. GABRIELA
B. United Nations Women's Organization
C. New Japan Women's Association (NJWA) Shin Fujin
D. Committee on the Elimination of Discrimination against Women

6. Alin sa sumusunod ang naging panawagan ng New Japan Women's Association sa pagsulong ng karapatan ng kababaihan sa aspektong pang-ekonomiya?
a. Regulate non-regular employment
b.Itaas ang sahod ng kababaihan.
c. Makamit ang tunay na kalayaang pambansa, demokrasya at paglaya ng kababaihan d Masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay na pananagutan sa pamilya at makapagtrabaho sa makataong kondisyon.
A. a, b, at c
B. b, c, at a
C. a, b, at d
D. a, c, at b

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng pagsulong ng karapatan ng kababaihan sa ekonomiya?
a.kapag mas maraming kababaihan ang nagtatrabaho, ang ekonomiya ay lumalago
b. Sa taong 2020, ang kababaihan ay may kalayaan nang makilahok sa gawaing
c. Ang bansang Thailand ay may 56% ng kababahang mananaliksik sa buong mundo. d. Ayon sa World Economic Forum, pampito ang Pilipinas pagdating sa pagkakapantay-pantay sa kasarian o gender equality index.
A. a, b, at c
B. b, c, at d
C. a, b, at d
D. a, c, at d

8. Alin sa sumusunod ang kabilang sa ulat ng GABRIELA sa United Nations Commission on Human Rights noong 2017?
a. Nanatiling mas mataas ang sahod ng kalalakihan sa agrikultura.
b. Mas pinipii sa trabaho sa pabrika ang kababaihang walang asawa kaysa mayroon
C. Mas mataas ang pensyon na natatanggap ng kalalakihan kaysa kababaihan.
d. Napananatili ng kababaihan ang pagiging produktibo sa ekonomiya hanggang sa kanilang pagtanda.

A.a, b, at c
B. b, c, at d
C.a, b, at d
D. a, c, at d

9. Bagaman mayaman na bansa ang Japan, ang agwat ng pasahod sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay nananatili pa rin. Alin sa sumusunod na ulat ng NJWA ang kaugnay ng pahayag?
a. Ang natatanggap na pensyon ng kababaihan sa Japan ay 60% lamang ng
pensyon ng kalalakihan.
b. Ang pasahod sa kababaihan sa larangan ng agrikultura ay mas mababa ng 14%
kaysa kalalakihan.
c. Sa part time job, ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay katumbas lamang ng 51% na kita ng kalalakihan.
d. Sa regular na manggagawa, ang sahod na natatanggap ng kababaihan ay katumbas lamang ng 69.3 % na kita ng kalalakihan.

A. a, b, at c
B. b, c, at a
C. a, b, at d
D. a, c, at d

10. Mahalaga na mabigyan at magkaroon ng pagkakataon sa larangan ng kabuhayan ang kababaihan. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay rito?
a. Ang partisipasyon sa lakas paggawa ng kababaihan ay 19% lamang kaysa kalalakihan na 77%
b. Kailangang masiguro na ang kalalakihan at kababaihan ay magkaroon ng pantay na pananagutan sa pamilya.
C. Ang bansang Thailand na may 56% ng kababaihang mananaliksik ang may pinakamataas na bahagdan sa buong mundo.
d. Ayon sa World Economic Forum, pampito ang Pilipinas pagdating sa sukatan ng pagkakapantay sa kasarian o gender equality index
A. a, b, at c
B. b, c, at d
C. a, b, at d
D. a, c, at d​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.