Questions


November 2021 1 224 Report
1. Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog at
kanlurang Asya upang matamo ang kalayaan sa kamay ng mga imperyalista ay mas
nasubok ng naganap ang _ _ _ .
A. Hidwaan ng mga Kanluraning bansa.
B. Unang Digmaang Pandaigdig.
C. Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
D. Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Noong Agosto 1914, sumiklab ang _ __________ _. Nagkaroon ng alyansa ng mga bansa sa
Europa dulot ng pag-uunahan ng mga bansang ito sa teritoryo at maisakatuparan ang
kani-kanilang interes.
A. Sigalot ng kanluraning bansa. C. Ikalawang digmaang Pandaigdig
B. Unang Digmaang Pandaigdig. D. Cold war sa mga bansang kaalyansa.
3. Ang alyansa ng Germany, Austria- Hungary ay tinatawag na _ _________ ; samantalang ang
_ _ naman ay binubuo ng France, England at Russia.
A. A l
l l ies; Central Powers C. Pandaigdigang Alyansa; Partido Politikal
B. Central Powers; Allies D. Partido Politikal; Pandaigdigang Alyansa
4. Isa pa ring mahalagang pangyayari na nagpasiklab sa nasabing digmaan ay ang pagkamatay ni
ng Austria.
A. Archduke Karl Ludwig C. Archduke Francis Ferdinand
B. Archduke Ludwig Viktor D. Archduke Ferdinand Maximillian Joseph
5. Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto din ito sa Asya. Tulad ng bansang , na kung
saan ang nasyonalismo at pangkalayaang kilos ay nagkaisa tumulong sa panig ng Allies.
A. Armenia B. China C. India D. Japan
6. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan ayon sa .
A. Ahimsa B. Navagraha C. Pacifism D. Satyagraha
7. Sa pamamagitan naman ng bansang ang Russia at GreatBritain ay nagsagawa ng pag - atake sa Ottoman
Empire na nakipag –alyado sa Germany.
A. India B. Iran C. Pakistan D. Saudi Arabia
8. Isa sa epekto ng Ikalawang Digmaang pandaigdig ay ang paghahati sa India sa mga
pangkat. Ilang pangkat mayroon ang India?
A. Apat B. Anim C. Dalawa D. Tatlo
9. Ang Kilusang Nasyonalismo na itinatag ng bansang Israel ay ang .
A. Kilusang Zionismo C. Militanteng Nasyonalimo
B. Kilusang makabayan D. Moderatong Nasyonalismo
10. Ang mga sumusunod ay ang mga epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig MALIBAN sa isa.
A. Pagkamit ng kasarinlan ng mga bansang Asyano.
B. Pagwakas ng kolonyalisasyong kanluranin at Japan.
C. Pagtatag ng higit na makabuluhang samahang aktibista.
D. Pagkilala ng United States bilang lider ng demokrasya at ang Soviet Union
bilang lider ng komunismo.
11. Ang pangyayaring ito ay naghuhudyat sa pormal na pagtatapos ng unang
digmaan pandaigdig.
A. Paglabas ng Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles.
B. Paglagda sa isang kasunduang tinatawag na Treaty of Versailles.
C. Pagbagsak ng United States ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki.
D. Pagkatalo ng Central Powers sa Versailles, France at pagsuko ng Germany.
12. Ang konseptong ito ay tumutukoy saideya, kaisipano mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan
sa mga sulIranin at pangangailangan ng mamamayan ayon sa kultura at kasaysayan ng bansa.
A. Ekonomiya B. Ideolohiya C. Kultura D. Pilosopiya
13. Simulang alisin ng Russia ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi naman
tuluyang naisakatuparan noong Mayo 1946. Ito ay nagdudulot ng
A. Pagkakaroon ng cold war sa pagitan ng United States at Russia.
B. Unang pagkakaunawaan na dininig ng Security Council Ng United Nations.
C. Malawakang rebolusyong pang-ekonomiya, pampulitika at panlipunan sa Iran.
D. Pagwawakas ng kolonyalisasyong kanluranin at sa mga bansa sa Kanlurang Asya.
14. Sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Russia at Britanya ay nagsagawa ng pagatake sa Imperyong Ottoman na kung saan ay nakipag-alyado sa Germany. Ang
mga sumusunod na pangungusap ay mga kinahinatnan MALIBAN sa .
A. Nagdudulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan at mga ari-arian.
B. Pagdami ng ari-arian, at pag-unlad ng pamumuhay ng bawat mamamayan.
C. Pagkamatay ng maraming Iranian at pagkawala ng hanapbuhay sa iilan nito.
D. Pagkaroon ng tagutom at kaguluhan ng bawat mamamayan sa tinutukoy na
lugar.
15. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig MALIBAN sa .
A. Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya at dahil din sa
pagbasak ng Imperyong Ottoman.
B. Pagtuklas ng mina ng langis sa Timog Asya na lalong naging interesado ang
mga Kanluraning bansa na magtatag ng sistemang mandato.
C. Pagbigay sa bansang France ng mandato para sa Syria at Lebanon at
napasakamay naman ng mga Ingles ang mandato para sa Palestine.
D. Pagkamit ng mga bansa ng Kasarinlan sa aspektong pangkabuhayan at
panlipunan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.