1. Ano pinakamataas na pinunong Espanyol sa bansa noong panahon ng mga
Espanyol.
A. alcalde mayor B. corregidores C. gobernador-heneral D. principalia
2. Sinakop ng Portugal, Netherlands at England ang Indonesia. Alin sa mga
sumusunod na pagpipilian ang HINDI kabilang sa kanilang dahilan ng
pananakop?
A. Sentro ito ng kalakalan C. May maayos na daungan.
B. Sagana ito sa mga pampalasa. D. Mayaman ang kanilang kultura.
3. Alin sa mga sumusunod na mga bansa ang tinatawag na IndoChina?
A. Indonesia, Vietnam, China C. India, Indonesia, China
B. Myanmar, Laos, Vietnam D. Cambodia, Laos, Vietnam
4. Ito ay sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihang Pilipino na edad 16 -60
katulad ng paggawa ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling pampamahalaan at
iba pa sa panahon ng mga Kastila.
A. bandala B. polo y servicio C. reduccion D. tributo
5. Ano ang tawag sa grupo na nakakontrol sa spice trade sa Timog-Silangang Asya
at siyang nagpayaman sa bansang Netherlands?
A. Spheres of Influence. C. All of Asia for Netherlands
B. Dutch East India Company D. East Asia Co-Prosperity Sphere
6. Ang lugar na tinatawag ding Maluku at kilala bilang spice island na
kasalukuyang bahagi ng bansang Indonesia.
A. Java B. Malaysia C. Moluccas D. Sabah
7. Ito ay isinagawa ng China dahil sa mataas na pagtingin n ito sa kaniyang kultura at sa
paniniwalang makakasira sa kanyang bansa ang impluwensiya ng mga dayuhan .
A. criticism B. isolationism C. nationalism D. patriotism
8. Tinawag na French IndoChina ang mga bansang Cambodia, Laos at
Vietnam dahil __________________.
A. Ginawa ito ng mga French bilang tanda ng kanilang kapangyarihan.
B. Naimpluwensiyahan ng kultura ng China at India ang rehiyong ito.
C. Karamihan sa mamamayan nila ang mula sa India at China.
D. Nasakop ang mga bansang ito ng China at India.
9. Ano ang dahilan at mahalaga ang Burma para sa mga British?
A. Upang mapigilan ang mga magtatangkang manakop sa Silangang
India.
B. Ito ang kanyang pangunahing pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales.
C. Mapangalagaan ang kanyang mga mamayan sa lugar at bilang
pamilihan ng produkto.
D. Nakapag-asawa ng mga katutubo ang mga British kaya nais nilang
manatili sa nasabing bansa.
10. Anong kasunduan ang naglalaman ng pagbubukas ng mga daungan ng
Hakodate at Shimoda ng bansang Japan para sa mga barko ng United
States?
A. Ichikawa B. Kanagawa C. Tokugawa D. Wategawa
11. Bakit ninais ng mga Amerikano na manatili ang kanilang impluwensiya
sa pamahalaan ng Pilipinas pagkatapos itong mapagkalooban ng
kalayaan?
A. Protektahan ang kanyang mga interes sa bansa.
B. Nasanay na ang Amerika na sakop ang Pilipinas.
C. Hindi pa nila nakuha ang pakay na mga kayamanan.
D. Upang patuloy na masubaybayan ang sitwasyon ng bansa.
12.Anong kasunduan ang nilagdaan nang matalo ang China sa Unang Digmaang
Opyo laban sa mga British?
A. Nanking B. Ningpo C. Sapporo D. Tientsin
13 . Ano ang ipinatupad sa China na nag - uutos na kung sinumang British na
nagkasala sa China ay hindi maaaring litisin sa korte ng mga Tsino kundi sa
korte ng British?
A. exemption B. extraterritoriality C. jurisdiction D. territoriality
14. Bakit hindi gaanong naapektuhan ng pananakop ng mga kanluranin ang
Silangang Asya sa unang yugto ng pananakop?
A. Ang interes ng mga Kanluranin ay nasa industriyalisasyon sa Europa.
B. Hindi kasali sa nais sakupin ng mga Kanluranin ang rehiyong ito.
C. Mas gusto ng mga Kanluranin ang manatili sa kanilang lugar.
D. Matatag ang pamahalaan ng mga bansa sa Silangang Asya.
15. Ano ang dahilan at sinakop ng Spain ang Pilipinas?
A. May istratehiko itong lokasyon na mainam sa pangangalakal.
B. Napagkamalan nila ito bilang pulo ng mga mamahaling pampalasa.
C. Nais ng mga Espanyol na turuan ng mabuting asal ang mga Pilipino.
D. Mayaman ito sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.