Questions


October 2022 1 2 Report
1. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang ginamit ni Mohandas Gandhi
upang ipakita ang kaniyang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido-politikal o samahang Makabayan
2. Ano ang tawag sa damdaming makabayan na nagpapakita ng matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inangbayan?
A. Imperyalismo C. Merkantilismo
B. Kolonyalismo D. Nasyonalismo
3. Nagpatupad ng mga pagbabago ang mga Ingles sa lipunan at pamahalaan ng
India. Alin sa sumusunod ang pagbabagong HINDI katanggap-tanggap para
sa mga Indian?
A. Pagsasaayos ng transportasyon at komunikasyon.
B. Pagpapalaganap ng sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang
Ingles.
C. Paglipat ng sentro ng mga gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying
dagat.
D. Pag-iral ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa
pamahalaan.
4. Ano ang naging dahilan ng ginawang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy laban
sa mga Ingles noong 1857?
A. Pagnanais na mapalaya ang kanilang bansa sa ilalim ng England.
B. Kawalan ng respeto ng mga Ingles sa kinagisnang kaugalian at tradisyon
ng India.
C. Makatarungan ang ginawang pakikialam ng England sa kanilang
paniniwala.
D. Panghihimasok ng mga Ingles sa pamamahala ng kanilang bansa at
maging sa kanilang pamumuhay.
5. Ano ang pamamaraang ginamit ng India upang maisakatuparan ang
hangaring kalayaan?
A. Itinatag ang India National Congress.
B. Nakipag-alyansa sila sa mga kanluranin.
C. Binoykot nila ang mga produktong Ingles.
D. Tinulungan nila ang mga Ingles sa panahon ng digmaan.
6. Nakilala bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”. Naging inspirasyon siya ng
marami dahil sa tahimik at katangi-tanging pamamaraan upang matamo ng
India ang kalayaan mula sa mga Ingles. Sino ang tinutukoy sa pahayag?
A. Ali Jinnah C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal

17 CO_Q3_AP 7_ Modyul 2

7. Paano isinasagawa ang Satyagraha?
A. Pagdarasal C. Meditasyon
B. Pag-aayuno D. Lahat ng nabanggit
8. Ano ang dahilan kung bakit buong pusong isinasagawa ang sati sa India?
A. Paniniwala na ito ay naglilinis ng kasalanan ng lalaki maging ang
kanyang biyuda
B. Makakamit ng mag-asawa ang kaluwalhatian sa kabilang buhay.
C. Tradisyon at bahagi ng kanilang kultura
D. Lahat ng nabanggit
9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalimo ng bansang
India?
A. Diskriminasyon sa mga Indian
B. Patakarang economic embargo
C. Pagpatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagbagsak ng kolonyalistang Turko
10. Anong tawag sa puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang pwersa ng
armas?
A. Ahimsa C. Samsara
B. Karma D. Sudra
11. Ano ang kasunduang kumilala sa Kalayaan ng Turkey sa pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Mandate C. Treaty of Paris
B. Treaty of Lausanne D. Treaty of Versailles
12. Kapag may pagkakataong magiging isang kinatawan ng isang maliit at
mahirap na bansa, alin sa sumusunod na pananaw ang iyong isusulong
upang ipagtanggol ang iyong bansa laban sa mas malakas at
makapangyarihang bansa?
A. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa.
B. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang
magkaroon ng kaalyansa.
13. Sino ang nagbigay-daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila ng
kagustuhan ng mga Kanluraning bansa na ito ay paghati-hatian?
A. Ayatollah Ruhollah Khomeini C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Sau D. Mustafa Kemal
14. Nangangahulugan ito na ang isang bansa ay naghahanda na maging malaya
at isang nagsasariling bansa na mapapasailalim muna sa patnubay ng isang
bansang Europeo. Ano ang tawag sa sistemang ito?
A. Commonwealth C. Treaty
B. Mandate D. Truce
15. Paano natamo ng bansang Lebanon ang kanilang kalayaan mula sa mga
Turkong Ottoman?
A. Mandato ng bansang France C. Treaty of Luasanne
B. Atas ng United Nations D. Treaty of Paris

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.