____1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahulugan ng pag-unlad?
1 point
A. Ang kaunlaran ay maaaring: paglilinang, progreso, pag-asenso, pag-angat, pag-inam at pagbuti.
B. Ang kaunlaran ay nangangahulugan na mayroong patuloy na progreso, pagsulong at pag-asenso.
C. Ang pag-unlad ay paglaki na nangangahulugan ng pagdami o pagdagdag ng bilang na katulad ng pagsulong na nakikita at ito ay nasusukat.
D. Ang pag-unlad ay may pagbabago mula sa dating mababang kalagayan patungo sa mas mataas na estado ng buhay.
2. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng pamumuhay ng tao.
1 point
A. Amartya Sen
B. Feliciano R. Fajardo
C. Michael Todaro
D. Stephen Smith
___ 3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga “ugat ng kawalang kalayaan” ayon kay Amartya Sen sa kanyang akdang Development as Freedom?
1 point
A. Kahirapan
B. Diskriminasyon
C. Limitasyon sa kakayahan ng mga mamamayan
D. Pagkapantay-pantay ng mga tao
___4. Sino ang nagpaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”?
1 point
A. Feliciano R. Fajardo
B. Amartya Sen
C. Michael P. Todaro
D. Stephen Sy
____ 5. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na tunay na yaman ng bansa?
1 point
A. tao
B. lupa
C. ginto
D. kapital
____6. Ayon sa kanilang aklat na “Economic Development”, (2015) may dalawang konsepto ang pag-unlad ang tradisyunal at makabagong pananaw.
1 point
A. Amartya Sen at Feliciano Fajardo
B. Feliciano R. Fajardo at Stephen Smith
C. Michael Todaro at Stephen Smith
D. Stephen Smith at Amartya Sen
___7. Isang mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya sapagkat kung mas maraming output ang nalilikha ito ay nangangahulugang mas maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
1 point
A. Yamang-tao
B. Teknolohiya at Inobasyon
C. Likas na Yaman
D. Kapital
___8. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin o maibigay na kontribusyon sa pag-unlad ng ating bansa?
1 point
A. pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan
B. maayos na pakikitungo sa mga opisyales ng lipunan
C. pagtangkilik sa sariling produkto ng ating bansa
D. pag-aaral ng mabuti upang maging bahagi ng pag-unlad ng bansa sa kinabukasan.
___9. Sa sama-samang pagkilos para sa pambansang kaunlaran, ano ang tawag sa pagkakaroon ng kultura kung saan ito ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad nglibreng edukasyon, murang programang pangkalusugan at iba pa?
1 point
A. Tamang pagbabayad ng buwis
B. Pagiging maalam
C. Pagiging maabilidad
D. Pagiging makabansa
___10. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
1 point
A. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
B. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
C. Makikilahok sa mga proyektong pang-kaunlaran sa paaralan at sa komunidad
D. Magprotesta sa kalsada upang iparating ang mga hinaing sa pamahalaan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.