Yen-yen: Tita Lulu, bigyan po ninyo ako ng mga halimbawa ng mga tula. Tita Lulu: Naku, Yen! Maraming uri ng tula! Ano ba ang gusto mo? Yen-yen: Ganoon po ba, Tita? Akala ko basta tula, iisang uri lang. Tita Lulu: May tulang pasalaysay, tulang liriko, tulang dula o pantanghalan, at tulang patigan. At sa ilalim ng bawat isa nito ay may iba't iba pang uri. Yen-yen: Ano-ano pa ang uri ng tulang pasalaysay? Tita Lulu: Ang mga uri ng tulang pasalaysay ay epiko, awit at korido, at balad. Yen-yen: Epiko? Madalas ko pong marinig iyon. Hindi po ba ang Biag ni Lam-ang o Ang Buhay ni Lam-ang ay isang epiko? Tita Lulu: Oo. Tama ka. Ang Biag ni Lam-ang ay isinulat ni Pedro Bukaneg na isang Ilokano. Isa pang halimbawa ng epiko ay ang Indarapatra at Sulayman na isinulat ni Bartolome del Valle. Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Maaari itong awitin o lapatan ng tunog.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.