GAWIN AT SURIIN NATIN Panuto: Basahin ang lathalain. lligtas ang Mundo Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang nararanasan ng tao kung tag-araw. Kung minsan naman mababalitaan na may bagyong darating gayong panahon naman ng tag-araw. Kung tag-ulan naman, bihirang umulan. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran. Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong tubig. Dahil dito dumudumi ang tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng "red tide". Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod ay nagbabara. Kaunting ulan lamang ay bumabaha. Maging ang tubig na iniinom ay di na rin ligtas. Maging ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi na rin. Masangsang ang amoy ng hanging nagmumula sa tabing-ilog at dalampasigan. Ang sobrang kapal at maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walang tigil na pagbuga ng usok ng mga pabrika na siyang nagpapadilim sa kalangitan. Dahil sa polusyon sa hangin, ang pagdumi ng kapaligiran ay hindi maitatanggi. Isa pang epekto nito ay ang paghina ng ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin. Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sa kagubatan. Ginagawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at nawawala ang matabang lupa. Dahil dito wala nang makapitan ang mga ugat ng puno. Ang mga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar. Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ng kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at ang kalagayan ng susunod na salinlahi. lligtas natin ang ating kalikasan upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap. Pinagkunan http//www.health.state. mn.us Gawain 1 Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Ano ang iyong napapansin sa lagay ng panahon? Kanino kaya dapat isisi ang pagbabago nito? 2. Bakit nagkakaroon ng red tide? 3. Ano-ano ang nagiging bunga ng polusyon sa hangin? 4. Ano ang dahilan at unti-unting nakakalbo ang mga gubat? 5. Papaano napipigil ng mga tanim at punongkahoy ang pagguho ng

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.