Questions


August 2022 2 0 Report
{Wrong answer=REPORT⚠️}
{NONSENSE=REPORT⚠️⚠️}
{Right answer=Brainliest}
{Kung hindi po alam sagot=Dont answer i only have 35 points}

10. Isa sa malilikhaing kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga Pilipino ay ang mito tungkol kina Sicalac at Sicavay. Alin sa sumusunod ang may wastong detalye tungkol dito?

A. Nagmula sila sa nahating damong tambo.
B. Sila rin ang tinutukoy na Adan at Eba sa kuwento sa Bibliya.
C. Nilikha sila ng Diyos sa ikaanim na araw ng kaniyang paglikha.
D. Nagluto si Laor ng mga putik na nasunog, nahilaw, at naging katamtaman lamang.

11. Ang barangay ay sinaunang komunidad ng mga Filipino. Ano ang tawag sa bangkang ginamit ng mga sinaunang Filipino at ipinangalan sa komunidad na itinatag sa mga kapuluan ng Pilipinas?

A. bapor
B. barko
C. bangka
D. balangay

12. Mahalaga ang batas at ang pagpapatupad nito sa kaayusang panlipunan ng barangay. Sino ang katuwang ng datu sa paggawa ng batas sa nasasakupang barangay?

A. lakan
B. maharlika at timawa
C. umalohokan
D. sanggunian o konseho ng mga matatanda

13. Pagkatapos mapagtibay ang batas, kaagad itong ipinapahayag sa mga nasasakupan sa barangay sa pamamagitan ng ___________ bilang tagapagsalita ng datu. *

A. Alipin
B. Maharlika
C. Umalohokan
D. Konseho ng mga matatanda

14. Ang __________ ay pinahihintulutang magkaroon ng sariling ari-arian, makapag-asawa nang walang pahintulot mula sa kaniyang panginoon o amo, at hindi maaaring ipagbili.

A. oripun
B. timawa
C. aliping namamahay
D. aliping saguiguilid

15. Siya ang pangunahing datu na namumuno sa alyansa o samahan ng mga barangay. *

A. heneral
B. lakan
C. raja
D. sultan

16. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong Pre-kolonyal? *

A. Ang datu at maginoo ang pinakamatataas na tao sa barangay.
B. Mayroong isang pangkat ng tao sa sinaunang lipunang Pilipino.
C. Ang bawat antas panlipunan noon ay may gampanin sa lipunan.
D. Mahalaga ang papel ng kababaihang Pilipino sa lipunan ng sinaunang barangay.

17. Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangkat ng tao sa lipunang barangay mula sa unang antas hanggang ikatlong antas? *

A. datu at maharlika – maginoo at timawa – alipin
B. datu at timawa – maginoo at maharlika – alipin
C. datu at maginoo – maharlika at timawa – alipin
D. maginoo at datu – maharlika at alipin – timawa

18. Tinawag na datu ang pinuno ng sinaunang barangay. Ano ang isang katangian ng datu? *

A. Inaangkin ang kayamanan ng kaniyang nasasakupan.
B. Nagmula siya bilang alipin hanggang sa maging maharlika.
C. Bihira siyang lumahok sa mga labanan at laging nag-uutos.
D. May kapangyarihan siyang gumawa at magpatupad ng batas.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.