Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat panig. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing na pinakamapanirang digmaan sa kasaysayan. Kung ang mga operasyong militar sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig ay Pangunahing naganap sa kontinente ng Europa,ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay kinasangkutan hindi lamang ng Europa bagkus ay nakasama sa Digmaan ang Asya,Africa at maging ang mga isla sa Pacific. Mahigit sa 17 milyong miyembro ng hukbong sandatahan ng iba’t ibang nagsagupaang bansa ang namatay sa digmaan. Pinahina rin nito ang kakayahang pang-ekonomiya ng mga pangunahing nasyon at iniwanan ang maraming bansa sa bingit ng pagkaguho. Sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang mga bansang nagtagumpay ay bumuo ng Liga ng mga bansa na naglayong mapanatili ang kapayapaan sakaling magkaroong muli ng agresyon. Hindi naging kasapi ng liga ang United States dahil sa patakaran nitong isolasyon. Nabigo ang liga sa una nitong pagsubok. Noong 1931, ang Japan ay nagsimula ng isang operasyong militar sa paghahangad na masakop ang kabuuan ng Manchuria. Pagkaraang matanggap ng Liga ng mga Bansa ang ulat ng komisyon sa pagsisiyasat, bumuo ang liga ng isang resolusyon na nag-utos sa Japan na iurong ang hukbo nito sa Manchuria. Bunga nito, tumiwalag ang Japan sa Liga. Samantala, ang Manchuria ay naging pamahalaang puppet ng Japan sa ilalim ng pangalang Manchuko. Dahil sa pag-iiringan at hindi pagkakasundo ng mga miyembro, hindi na gumawa ng anumang hakbang ang liga upang masawata ang Japan. Umangat sa kapangyarihan si Adolf Hitler at naging diktador ng germany noong 1933. Tinuligsa niya ang probisyon ng kasunduan ng Versailles na naglimita sa pagsasandata ng germany. Noong 1935, ang diktador ng Italia na si Benito Mussolini ay isinakatuparan ang matagal na niyang planong pananakop sa Ethiopia na ninais niyang maging kolonya. Hindi napatawan ng Liga ng mga bansa ng mabigat na parusa ang Italia kaya tuluyang naokupahan ang Ethiopia noong 1936. Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa noong 1939 at habang abala ang mga bansang Europeo sa labanan ay sinamantala ng Japan ang pangyayari upang mapalawak ang kanyang teritoryo.
Answers & Comments
Answer:
the application of the following parts chre formed by their actions speak louder than I thought I was going on
ANSWER: