LUNGSOD NG CALAMBA, Nob. 27 (PIA) – Matagumpay na naisagawa sa rehiyon ang apat na araw na cultural heritage caravan sa pamumuno ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Philippine Information Agency (PIA) mula ika-15 ng Nobyembre hanggang ika-18.
Ang caravan ay ang ikalawang bahagi ng kampanyang Luzon Cultural Promotions na may temang: “Sulong Luzon, Yamang Kultura’t Sining.”
Layunin nitong mapalawak ang kamalayan tungkol sa kultura’t sining ng Luzon, gamit ang iba’t ibang media platforms upang mapanatili, mapangalagaan at mahimok ang bawat Filipino na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ukol dito.
Para mas epektibong makamit ang kanilang layunin, nakipagtulungan ang NCCA at PIA sa mahigit 40 na tri-media practitioners at bloggers mula sa iba’t ibang rehiyon ng Luzon.
Tinungo ng grupo ng mga mamamahayag ang mga probinsya ng Quezon, Laguna at Rizal. Sa tulong nito, nagkaroon sila ng aktwal na karanasan sa makulay at natatanging kultura’t sining ng rehiyon.
Kabilang sa mga napuntahan nila ay ang Ugu Bigyan’s Potter Garden at Villa Escudero Museum and Cultural Show sa Tiaong, Quezon; Casa San Pablo Art Space at Sulyap Gallery, Colonial-era Restored Casas and Museum sa San Pablo, Laguna; Liliw, Laguna na Tsinelas Capital ng Pilipinas; ang makasaysayang Sementeryo sa Ilalim ng Lupa sa Nagcarlan, Laguna; Paete, Laguna na Carving Capital ng Pilipinas; ang National Cultural Treasure at pinakamatandang likhang sining sa Pilipinas na Angono-Binangonan Petroglyphs sa Rizal; Museo ng Blanco family at museo ng National Artist na si Carlos “Botong” Francisco, street murals at ang dinadayong Higantes Festival sa Angono, Rizal; at ang Garments Capital ng Pilipinas na Taytay, Rizal.
Kapwa nakikita ng NCCA, PIA at ng mga mamamahayag na kasama sa caravan ang pangangailangan sa mga programang nakatutok sa kultura’t sining ng bansa.
Bilang tugon sa pangangailangang ito, nanawagan si NCCA Public Affairs and Information Office Head Rene Napeñas para sa pagtutulungan ng bawat isa tungo sa pagkakaroon ng isang kagawaran ng kultura sa bansa.
Inaasahang magkakaroon pa ng ikatlong bahagi ang caravan sa mga hindi pa nadadaanang rehiyon sa Luzon.
Patuloy rin ang pagtutulungan ng NCCA at PIA sa pagsasagawa ng mga proyekto sa buong bansa na nakatuon sa pagpapaigting ng pagmamahal at pagtangkilik ng bawat Pilipino sa kanilang mayamang kultura’t sining. (JPS, PIA4A)
Answers & Comments
Answer: