Questions


August 2022 2 1 Report
W. Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto no
nasyonalismo?
A. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang
pinagmulan o sinilangan.
B. Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng
bansa
C. Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.
D. Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang
hinahangad

12. Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal
sa bansa?
A. Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol
B. Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol,
C. Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol
D. Paggalang sa mga pinunong Espanyol.

13. Ang mga sumusunod ay naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga
pakikipaglaban sa mga Espanyol, maliban sa isa, alin ito
A. malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol
B. di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol
C. hangad na muling maging malaya at mamuhay nang mapayapa
D. makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa pamahalaan.

14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang
nasyonalismo
A. Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop.
B. Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.
C. Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa.
D. Pagtangkilk ng mga produktong imported.

15. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, sasali ka ba
sa mga pag-aalsang naganap upang maipamalas ang iyong nasyonalismo o
pagmamahal sa bayan
A. Oo, dahil marami ang makakalaya kung magtatagumpay ang pakikipaglaban.
B. Oo, dahil ang mamamatay para sa bayan ay tanda ng pagiging bayani.
C. Hindi dahil magdudulot ito ng matinding kalungkutan sa pamilya.
D. Hindi, dahil maipamamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga Espanyol upang maiwasan ang kaguluhan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.