VI. Panuto: Basahing mabuti ang mga naging pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Pumili ng titik sa loob ng kahon, maaaring ulitin ang titik ng iyong kasagutan A. Unang Putok ng Digmaang Pilipino-Amerikano B. Ang Labanan sa Maynila C. Kasunduang Bates D. Labanan sa Tirad Pass 1. Matapos ang labanan, nakuha ang talaarawan ni Hen. Gregorio Del Pilar. 2. Sinigawan ni Pvt. William Walter Grayson ang mga Pilipino upang huminto ngunit hindi to tumigil dahil hindi nila naiintindihan ang wikang Ingles. 3. Sunod-sunod na ring nabihag ng mga Amerikano ang ibang lugar sa paligid ng Maynila 4. Ang Sultan ng Jolo na si Jamal ul Kiram Il ay nakipagkasundo sa mga Amerikano 5. Lumagda ng isang kasunduan si Hen John Bates bilang kinatawan ng Estados Unidos at ng Sultan pati na ang mga kinatawang Datu ng Sulu 6. Hinadlangan ito ng pinuno ng Hukbong Pilipino sa Kalookan na si Hen Antonio Luna 7. Sa panulukan ng Calle Silencio at Sociego, Sta. Mesa Maynila naganap ang unang putok 8. Ito ay isang makitid na lagusan sa bundok ng Tirad na bahagi ng kabundukan ng bayan ng Concepcion, Ilocos Sur. 9. Igagalang ng Estados Unidos ang mga karapatan at karangalan ng Sultan at kanyang mga Datu, at hindi makikialam sa relihiyon ng mga Moro 10. Subalit sa pagtataksil ng isang Igorot na si Januario Galut ay itinuro nito ang lihim nal agusan kayat napatay si Hen. Gregorio Del Pilar​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.