UNANG PAGSUBOK
PANUTO Suriin kung TAMA O MALI ang isinasaad ng mga pangungusap. Isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang
1. Malaki ang naitulong ng pagpapagawa ng mga tulay at lansangan sa
pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.
2. Nauso sa panahon ng mga Amerikano ang mga bahay na yari sa tisa at
bato
3. Ang pag-uugnayan ng mga tao sa malalayong lugar bunga ng mabagal na
sistema ng pahatiran ng liham at mga telegrama ay naging malaking
suliranin sa panahon ng mga Amerikano
4. Dahil sa matataas na uri ng sasakyang panlupa, pandagat, at
panghimpapawid, madaling nakapaglakbay sa malalayong lugar ang
mga tao sa panahon ng mga Amerikano.
5. Nagpagalit sa maraming Katoliko at Muslim sa bansa ang sapilitang
pagpapatanggap ng mga Amerikano sa relihiyong Protestantismo.
6. Walang mabuting naidulot ang sapilitang
pagpapapasok ng mga Amerikano sa paaralan ng mga batang
nasa sapat na gulang upang mag-aral.
7. Sa pamahalaang demokratiko ay mga mayayaman at
pinuno ng pamahalaan lamang ang kinikilala ang karapatan.
8. Sa pamamagitan ng sistema ng pampublikong
edukasyon ay nagkaroon ng malawakang edukasyon sa Pilipinas
9. Ang mga mag-aaral na Pilipino ay sapilitang tinuruan
ng wikang Ingles.
10. Ang pagiging mapamahiin ng mga Pilipino ang isa sa
naging sagabal sa pagsasayos ng sistemang pangkalusugan ng
Pilipinas​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.