Sa dakong Timog-Silangan
doon ay matatagpuan
ang aking lupang sinilangan
Pilipinas kong minamahal.
Sinubok mang sakupin
subalit lumaban at di nag-paapi
mag Pilipinong bayani
sa dayuhan ay hindi nagpagapi.
Watak-watak man ang lupain,
sa puso't isip ay iisa pa rin
lahing Pilipino noon at ngayon,
ipagmamalaki ng bawat isa sa atin.
Kasaysayan ay makulay,
dulot ng mga nakaraan
Patuloy na nagpapatibay
sa bawat sinomang mamamayan.
Saan mang dako mapadpad ang Pilipino,
bawat isa ay babangon at muling itatayo,
ang banderang minsa'y niyurakan
ng mga dayuhang walang pakundangan.
Pilipino ako, Pilipino tayo
Halina't ipagmalaki ng buong pagkatao
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments
Sa dakong Timog-Silangan
doon ay matatagpuan
ang aking lupang sinilangan
Pilipinas kong minamahal.
Sinubok mang sakupin
subalit lumaban at di nag-paapi
mag Pilipinong bayani
sa dayuhan ay hindi nagpagapi.
Watak-watak man ang lupain,
sa puso't isip ay iisa pa rin
lahing Pilipino noon at ngayon,
ipagmamalaki ng bawat isa sa atin.
Kasaysayan ay makulay,
dulot ng mga nakaraan
Patuloy na nagpapatibay
sa bawat sinomang mamamayan.
Saan mang dako mapadpad ang Pilipino,
bawat isa ay babangon at muling itatayo,
ang banderang minsa'y niyurakan
ng mga dayuhang walang pakundangan.
Pilipino ako, Pilipino tayo
Halina't ipagmalaki ng buong pagkatao