Tungkulin ng Pamahalaan
Ang bawat pamahalaan ay mayroong mga alituntunin at
batas na pinaiiral. Ito ay upang mapangalagaan ang kapakanan
ng kanilang nasasakupan.
Malawak
ang responsibilidad
hinahawakan
pamahalaan. Kabilang dito ang paunlarin at patatagin ang
kabuhayan ng nasasakupan. Importante ang pagkakaroon ng
matatag na pananalapi. Ito ay nakakatulong upang maihatid ang
mga serbisyo ng pamahalaan.
Tungkulin ng pamahalaan ang panatilihin ang katahimikan,
kaayusan at kapayapaan ng nasasakupan nito. Nakapaloob din
dito ang pagkontrol ng mga krimen sa lipunan.
Responsibilidad din ng pamahalaan ang maghatid ng
serbisyong medikal at pangkalusugan.
Tungkulin din nito ang pagbibigay ng patas na hustisya na
walang kinikilingan.
Pagbibigay ng libreng edukasyon lalo na sa elementarya at
sekondarya at trabaho sa mga mamamayan.
sa kabuuan, ang bawat kasapi ng pamahalaan ay
mayroong obligasyon na dapat gampanan. Ang bawat tao ay
dapat tumugon ng positibo sa lahat ng mga benipisyo na
ibinibigay ng pamahalaan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ipinatutupad ng pamahalaan upang
mapangalagaan ang kapakanan ng nasasakupan?
2. Magbigay ng mga tungkulin ng pamahalaan?
3. Ano ang nararapat gawin ng mga tao sa mga benepisyong
naibibigay ng pamahalaan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.