Batay sa larawan, dumaong ang barkong lulan ng mga Arabong Muslim sa isa sa mga isla ng Pilipinas. Nakipagkaibigan sila at tinanggap ng mga katutubong Pilipino sa kanilang lupain. Ito ang naging daan ng pagpapalaganap ng relihiyong Islam dito sa Pilipinas. Dahil sa ating likas na pagka magiliw sa mga bisita o mga dayuhan ay madali tayong makipag-palagayang loob sa kahit na sinuman sa kanila basta maayos lang ang intensyon nito.
Explanation:
Sa Sulu, nagsimula ang sultanato noong 1450 at si Sharif-ul-Hasim Ababakr ang naging pinakaunang sultan. Bahagi ng sultanato ang Sulu, Basilan, Borneo, at Hilagang Borneo, gayundin ang Zamboanga.
Sa pamamagitan ni Sharif-ul-Hasim, lalong naging mabilis ang pagkalat ng Islam sa silangan at hilagang bahagi ng Mindanao sa pamamagitan ng mga ulama o mga gurong Muslim.
Sa huling bahagi ng ika-15 siglo, nagtungo ang mga ulama (sina Sharif Auliya at Sharif Majarajah ayon sa tarsila ng Maguindanao) sa Malabang at Cotobato. Napangasawa ni Sharif Auliya ang anak na babae ng isang katutubong pinuno sa Pulangi at nang magbalik siya sa Arabia, naiwan niya ang kaniyang anak na babae na naging asawa naman ni Sharif Majarajah.
Ang ugnayan dahil sa pag-aasawa ang lalong nagpalawak sa komunidad ng Muslim hanggang sa Maguindanao, Buayan, at Butig. Hanggang ngayon, marami sa Muslim ang nananatili sa Sulu at malaking bahagi ng Mindanao.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

#BrainlyFast