Basahin at unawain ang pahayag sa ilalim. Tukuyin kung kaninong kabihasnan kaugnay ang
pangungusap. Isulat ang salitang Mesoamerika/Timog Amerika, Africa, o Mga Pulo sa Pacific sa patlang sa
simula ng bawat bilang.
_________________1. Umunlad ang mga imperyo sa lugar na ito dahil sa pakikipagkalakalan ng asin,
ginto, at iba pang produkto sa bawat kaharian at sa mga karatig na lugar sa disyerto ng Sahara.
_________________2. Matagumpay silang nakabuo ng kabihasnan sa kabila ng hamon ng kapaligiran
dahil ang kanilang mga lungsod ay nabuo sa gitna ng lawa o kaya ay sa tuktok ng kabundukang Andes.
_________________3. Tunay na magkakaugnay ang kultura at paraan ng pamumuhay ng kabihasnang
nabuo nila kahit na kalat-kalat ang pamayanan at nakalatag sa karagatan.
_________________4. Ang mga piramideng itinayo nila gaya ng Pyramid of Kukulkan sa gitna ng kanilang
lungsod ay sinasabing sentro rin ng kanilang sinaunang pananampalataya.
_________________5. Naimpluwensyahan ng pananampalatayang Islam ang mga kaharian sa lugar na ito
bunsod na rin ng kanilang malapit na ugnayang pangkalakalan at pangkarunungan sa mga Asyano.
_________________6. Mababakas ang pagpapahalaga nila sa biyaya ng kalikasan sa kanilang paniniwala
na may “lakas” ang bawat bagay na sentral na ideya ng Animismo at Mana.
_________________7. Ayon sa pag-aaral tungkol sa Migrasyong Austronesian, may pagkakapareho ang
kultura ng kabihasnang ito sa kultura ng mga tao sa Timog-Silangang Asya gaya ng Pilipinas.
_________________8. Mayaman ang ambag ng kabihasnang ito sa iba’t ibang larangan patunay ang
kanilang iniwang mga artifacts gaya ng glyphs na isang sinaunang sistema ng pagsulat, at quipu na
kakaibang paraan nila ng pagbilang at pagrekord.
_________________9. Ang Sankore mosque sa Timbuktu na bagamat simple at gawa sa pinatigas na
putik o mudclay ay patunay ng kaalaman sa arkitektura ng kabihasnan sa lugar na ito.
_________________10. Makikita sa isang animation movie na “Moana” ang kultura ng kabihasnang ito
dahil naipapakita ang karaniwang hanapbuhay nila na pangingisda sa malawak na karagatan, gayundin
ang kanilang kasuotan, pananampalataya at sining

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.