Ang Continental Drift Theory ay isang teorya na naglalayong bigyang paliwanag ang paggalaw ng mga kontinente at kung paano nila narating ang lugar na kanilang kinalalagyan sa mundo sa kasalukuyan. Ito ay unang inilathala ni Alfred Wegener, isang geophysicist at meteorologist noong taong 1912.
Bukod dito, sinusubukan din nitong ipaliwanag kung bakit ang magkakamukha o magkakaparehon uri ng halaman, hayop, at mga bato o rock formations ay makikita sa iba't ibang kontinente.
Pangaea
Ayon kay Wegener, noong unang panahon ay mayroong isang malaking kontinente na tinawag niyang "Urkontinent", mula sa salitang "ur" na ang ibig sabihin ay una o orihinal at "continent". Sa kasalukyan, ito ay tinatawag na Pangaea, na ang ibig sabihin ay "lahat ay lupa" sa salitang Griyego. Pagdating ng Triassic Period na nagtagal mula 251 na milyon hanggang 199.6 muilyong taon na ang nakararaan, ang Pangea ay nahati at ang mga pirasong ito ay nagsimulang gumalaw palayo sa isa't isa.
Noong 1938, ang isang South African na geologist na nagngangalang Alexander L. Du Toit ay binago ang teoryang ito ni Wegner. Ayon sa kanya, may dalawang sinaunang kontinente. Ito ay ang mga sumusunod:
Laurasia sa hilaga
Gondwana sa Timog
Sa kasalukuyan, mayroong pitong malalaking kontinente sa mundo. Ito ang mga sumusunod:
Asya
Africa
Europe
Antartica
Australia
Hilagang Amerika
Timog Amerika
Mga ebidensyang sumusuporta sa Continental Drift Theory
Pagkatunaw ng yelo noong 380 milyon hanggang 250 milyong taon na nakararaan
Magkakaparehong bato na makikita sa America at Atlantic
Magkakaparehong fossils na makikita sa America at Atlantic
Ang grupo ng mga bato na makikita sa baybayin ng Brazil ay tugma sa makikita sa kanlurang Africa
Answers & Comments
Answer:
Ito ay ang Continental Drift Theory.
Continental Drift Theory

Explanation:
.