Tayahin Natin

Panuto:. Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang

sagot sa patlang.

______ 1. Ito ay balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran.

a. Biodiversity

b. Reforestation

c. Climate Change

d. Ecological Balance

______ 2. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba - iba o magkakaiba. Tumutukoy ito sa mga uri o klase ng

bagay na hindi magkakaparehas o magkakapareho.

a. Siltation

b. Diversity

c. Reforestation

d. Desertification

______3. Ito ay ang pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na

pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng mga tao. Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ay ang

pagtaas ng katamtamang temperatura o global warming.

a. Ozone Layer

b. Deforestation

c. Ecological Balance

d. Global Climate Change
____4.Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity ?

a. Patuloy na pagtaas ng populasyon

b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation

c. Walang habas na pagkuha at paggamit ng ng mga likas na yaman

d. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

______ 5. Isang uri ng polusyon kung saan madumi ang tubig dahil ang mga tao ay nagtatapon ng mga

basura o kemikal. Ito ay ang pagdumi ng tubig na ang naaapektohan ay mga tao, hayop at ang

kalikasan.

a. Air Pollution b. Water Pollution c. Atomic Waste d. Ecological Imbalance

______6. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba-ibang suliranin gaya ng pagkasira ng

kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakaaapekto sa pag-unlad ng bansa nito. Ikaw ay

inaanyayahan sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa mga suliraning ito. Ano ang

tamang pagkakasunod-sunod ang iyong imumungkahi?

I. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin

II. Ipagbawal ang paggamit ng plastik upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.

III . Magpatupad ng mga programa na nangangalaga sa kahalagahan ng kalikasan sa tao.

IV. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran sa tao at sa

pag-unlad ng isang bansa.

a.II,III,I at IV b.IV,III,II at I c. I,II,III at IV d.III,II,IV at I

______7. Ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliraning

pangkapaligiran . Ang dahilan ay ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala ng pagtatapon

ng basura. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod na pangangalaga sa kapaligiran upang maiwasan

ang pagdami ng basurang itinatapon?

I. Gawin ang pagreresiklo ng mga basura.

II. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa di nabubulok.

III. Gumamit o bumili ayon sa inyong pangangailagan lamang.

IV. Magpasimula ng mga proyektong nangangalaga sa kalikasan sa inyong komonidad.

a.I,II,III at IV b. IV,I,II at III c. III,II,I at IV d. I,IV,II at III

______8. Ikaw ay isang Ambassador of Goodwill na naatasang hikayatin at impluwensiyahan ang

kabataan na magpalaganap ng mga programa para sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga

Asyano. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng multimedia advocacy. Anu-ano ang dapat mong

isaalang-alang?

I. Kaangkupan ng mga datos at pagkamalikhain

II. Organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain

III. Kawastuhan ng mga datos at madaling maunawaan ang mga salita

IV. Nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon, kapakinabangan

a.I,II,III at IV b. IV,III,I at II c. I,IV,III at II d. III,II,I at IV

______ 9. Ang pagbabago ng klimang pandaigdigan tulad ng bagyo, baha , grabeng ulan, tsunami,

storm surge, pagguho ng lupa at iba pa ay mga palatandaan ng pagbabago ng klima. Ang malalaking

yelo sa Antartika at iba pang parte sa mundo ay unti-unting natutunaw dahil sa pag-init ng mundo.

Dahil dito, nangangamba ang mga isla na nasa baba ng lebel ng dagat dahil maari itong mawala.

Anu-ano ang tamang pagkakasunod-sunod na dapat gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran

para maiwasan ang pagbabago ng klima o climate change?

I . Recycle

II. Reforestation

III.Magkaroon ng tamang kaalaman sa kahalagahan at pangangalaga ng kalikasan

IV.Mamuno para sa pangangalaga ng kalikasan.

a.IV,III,II at I b.I,II,IV at III c. III,I,II at IV d. I,II,III at IV

______10. Anu-ano ang tamang pagkakasunod-sunod na angkop na konseptong maaaring mabuo

tungkol sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na

may buhay at kanilang kapaligiran?

I. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning

pangkapaligiran at ekolohikal.

II. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit

ng likas na yaman.

III. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makakaapekto nang

lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig.

IV. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon.

a. I,III,II at IV b. II,I,III at IV c. IV.III.II at I d. I,II,III at IV​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.