Tatlong Pangunahing Layunin ng Espanya sa pagtuklas ng mga lupain
1. Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain.
2. Layon ng mga Espanyol na maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
3. Hangad ng mga Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa sa paggalugad
ng mga bagong lupain.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Layunin ng Espanya sa Pagtuklas ng mga Bagong Lupain
Ang tatlong pangunahing layunin ng Espanya sa pagtuklas ng mga lupain ay ang mga sumusunod:
Explanation:
Bago pa man marating ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon na ng kasunduan ang Espanya ang Portugal tungkol sa paghahati sa mundo. Dahil sa Kasunduan ng Tordesillas noong 1494, kinuha ng Espanya ang ilang mga teritoryo kabilang na ang South America, Central America, Mexico, Caribbean, California, Florida, at Pilipinas. Kinuha ng mga Espanyol ang mga likas na yaman ng mga bansang kanilang sinakop, habang sinubukan naman nilang kontrolin ang mga lokal na populasyon gamit ang relihiyon at sapilitang pinabago ang paniniwala ng mga tao mula sa mga katutubong relihiyon patungo sa Kristiyanismo. Para sa Espanya, ang ginagawa nilang pagsakop sa mga panibagong lupain ay nakakadagdag sa dangal ng kanilang emperyo.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/5942910
brainly.ph/question/322166
brainly.ph/question/400577
brainly.ph/question/601968
#BrainlyEveryday