Ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ang Saligang Batas ng Pilipinas na pinagtibay noong panahon ni Ferdinand Marcos. Ito ay pumalit sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935. Ito ay pinalitan ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 pagkatapos mapatalsik ni Marcos sa kapangyarihan sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino.
Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo ito habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto 1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: