Questions


August 2022 1 4 Report
TAMA O MALI
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang sinasaad ng pangungusap MALI naman kung hindi wasto ang sinasaad nito.
1. Ang konsepto ng globalisasyon ay napakahalaga, sinasabi na totoong nakabatay dito ang kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng mga lipunan sa mundo sa iba't ibang larangan ng pamumuhay ng mga tao.
2. Sinasabi na ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan lamang sa iba't ibang panig ng bansa. 3. Ang teknolohiya sa komunikasyon ay ang isang partikular na dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sapagkat dito dumadaloy ang impormasyon na nagdudulot ng paglago ng kaisipan, kultura, produkto at pamumuhay ng mga tao sa bawat lipunan sa daigdig.
4. Ang globalisasyon ay isang pandaigdigang ugnayan ng mga bagay-bagay sa iba't ibang lipunan sa kani kanilang larangan tungo sa panlipunan at pang-ekonomikal na kaunlaran.
5. Dahil ang mga tao ay patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa ibat-ibang panig ng daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi na ng kanilang pamumuhay.
6. Ang pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay naging hadlang sa pagbibigay sa mga tao ng maraming sangay ng pakikipag-ugnayan, sila ay nagkakaroon ng palitan ng produkto at serbisyo ayon sa hinihingi ng pangagnailangan ng bawat isa.
7. Ang ekonomiya ng mga bansa ay tuloy-tuloy ang pag-unlad sapagkat ang mga kompanya at negosyo ay nakararating sa iba't ibang bansa ang mga manggagawa ng mga kompanya at negosyo ay nagmula din sa ibat-ibang bansa at kultura.
8. Batay kay Scholte (2005), maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon. Karagdagan pa dito, ang kasalukuyang globalisasyon daw ay makabago at higit sa mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.
9. Ang huling pananaw o perspektibo ng globalisasyon ay nagsasad na ang ito ay isang penomeno na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo at tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.
10. Ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay hindi nagdulot ng maraming pagbabago so mgo teknolohiyang ginagamit sa ibat-ibang panig ng daigdig.
11. Ilan lamang sa mga maaaring naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon ay kultural na integrasyon Pankalakalang Ugnayan Kaunlarang Teknolohikal at Paglitaw ng Pandaigdigan Kapangyarihan. _
12. Ang dimensiyon ng globalisasyon na sosyo-kultural ay totoo na umuunlad sapagkat natututo tovo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa.
13. Ang kapaligiran ay isa sa mga pinaka naaapektuhan ng globalisasyon dahil sa pag-unlad ng pang-industrial ng ekonomiya
14. Ang isa sa mabuting dulot ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng problemang pang-ekonomiya na siyang nagiging dahilan ng paglaki ng agwat sa ekonomiya ng iba't ibang bansa.
15. Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon nang hindi pagkakasunduan ang mga bansa Ukol sa kalagayan ng kalikasan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.