Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.
Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya
Answers & Comments
Verified answer