Sumulat o bumuo ng tula mula sa paksang natalakay na(“Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga
Hapones” at “Patakaran at Resulta ng Pananakop ng mga Hapones”). Dalawa o higit na saknong(stanza) ang dapat
mabuo. Kayo na rin ang magbibigay ng pamagat nito.
Answers & Comments
Answer:
Sa tuwing maaanyayahan akong magsalita tungkol sa pagsulat ng tula, mahalagang
itinatanong ko sa mga nakakaharap ko kung ano o sino na ang kanilang nabasa. Dahil tulad ng
alinmang larang o disiplina, kailangan sa pagtula ang sapat na kaalaman at kasanayan sa teorya
at praktika nito. Tulad ng isang manlilikha o kompositor ng awit na nagkagiliw o naaliw muna sa
pakikinig sa maraming awit na likha ng iba, tiyak na naakit o natuwa muna sa tula ng kung
sinong makata ang isang nagsusulat ng tula. Napakahirap isipin na basta na lamang nagigising na
isang makata o naghahangad nang tumula ang sinuman.
Nakasalalay, kung gayon, sa husay at sigasig ng guro sa panitikan ang pagkalinang ng
interes sa pagtula ng mga mag-aaral. Sa konteksto ng modernong pamumuhay, sa mga klase sa
literatura unang nagkakaroon ang mga bata ng pormal na pag-aaral ng tula. Aspektong panganyo o teknikal ng tula ang tinutukoy ko sa paggamit ng salitang pormal, hindi simpleng
sitwasyon o paraan ng pag-aaral.
Sa higit na mababang antas, dapat lamang asahan na unang natutuon ang pansin ng pagaaral ng tula, at ng anumang anyo ng panitikan sa pangkalahatan, sa moral lesson. Madalas nga,
nauuwi ang lahat ng pag-uusap tungkol sa isang akda sa pagtiyak ng mensaheng ibinabahagi ng
Explanation: