Ako ay isinilang sa isang pamilyang Pilipino kung kaya't ako ay matatawag na isang Pilipino. Bilang isang Pilipino, taglay ko ang mga kaugalian, kultura at tradisyon ng pagka-Pilipino. Isa sa aking maipagmamalaki bilang isang Pilipino ay ang mga sinaunang kaugaliang Pilipino na minana pa ng aking mga lolo at lola at ito'y ipinasa sa aking mga magulang hanggang sa aming mga anak nila. Ilan sa mga ipinamana ng mga sinaunang Pilipino ay ang mabubuting kaugalian na siya kong itinuturing na pinakamahalaga sapagkat ito'y nagpapakilala sa atin ng pagiging isang tunay na Pilipino. Isa na rito ay ang paggalang sa mga nakatatanda, mahusay na pagtanggap sa mga panauhin, pagmamahal sa pamilya, pagsamba sa iisang Diyos at ang pagmamahal sa kapwa. Ang mga pamanang ito ay may napakalaking imoluwensya sa aming pamilya sapagkat ito ang nagbubuklod sa amin. Nakaapekto ang pamanang ito sa akin bilang isang tao at bilang isang Pilipino sa positibong paraan. Nagkakaroon ako ng mga kaibigan dahil sa natutuhan kong kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa una kong masilayan sa aking pamilyang kinagisnan. Palagi kong isasabuhay, at ipagmamalaki kaninuman ang isa sa mga pamanang ito ng ating mga ninuno at dadalhin ko ito hanggang sa aking pagtanda at upang maging gabay ng mga susunod ko pang henerasyon.
Answers & Comments
Answer:
Ako at ang Mabuting Kaugalian ng Aking Pamilya

Explanation:
goodluck
NASA PICTURE ANG SAGOT ❤️❤️