Sumulat ng isang sanaysay na kakikitaan ng mga panandang anaporik at kataporik tungkol sa kalagayan ng lipunan sa kasalukuyang panahon. Salungguhitan ang anaporik at bilugan ang kataponk na ginamit sa sanaysay.
Ang resolusyon ng Korte Suprema na pagtibayin nang lubusan na tanggalin sa mga ubod na aralin sa kolehiyo ang mga sabjek na Filipino at Panitikan ay isang magandang pagkakataon upang pagbulayan ang estado ng pagtuturo ng Filipino at panitikan mulang kindergarten hanggang kolehiyo, titigan nang mariin ang kakulangan sa mga batas, at pagtuonan ang pambansang bayanihan tungo sa ikalalago ng wika at panitikang Filipinas. Kailangang balikan ang kolektibong usapin, at hindi lamang lutasin ang problema alinsunod sa katumpakan at legalidad ng mga patakaran.
May kaugnayan ang pagtanggal sa dalawang sabjek sa usapin ng duplikasyon o pag-uulit ng mga paksang itinuturo, at maituturing na pag-aaksaya, kung tatanawin sa punto de bista ng mga burukratang edukador at administrador. Samantala, ang salungat na diwain dito ay may kaugnayan sa transcendental na usapin, sapagkat ang pagpatay sa Filipino at panitikan ay maaaring magbunga ng disaster sa pagtanaw ng kultura at kasaysayan sa mga susunod na henerasyon.
Answers & Comments

help and learner