Sumulat ng isang personal na opinyon sa epekto ng K-12 Kurikulum, na pagdating ng Grade 11 at Grade 12 ay pipili ang estudyante ng track o klase ng kurso—teknikal-bokasyonal ba o akademya na magpapatuloy sa kolehiyo o unibersidad para maging propesyonal. Malaya ba ang pagpili o magkakaroon ng pamantayan o eliminasyon?
Answers & Comments
Verified answer
OPINYON
K-12 Kurikulum ng DepEd
Sa paksang ito, sumasang-ayon naman ako sa sistemang ito, subalit nalilimitahan ang mga kursong nais ng mga mag-aaral. May ibang mga taong nalilito kung ano nga bang strand ang kukunin nila sa pagtungtung nila sa Grade 11 at 12. Ang iba naman ay nangangamba na kung nais man nilang kumuha ng yunit sa kolehiyo, ito ay malilimita lamang sa strand na kinuha nila (STEM, GAS, ABM, HUMSS, etc.)
May pag-sang-ayon sapagkat mas napapaisip ang mga mag-aaral sa mga nais nilang tahakin sa buhay, doon sa buhay na nanaisin nila sa hinaharap. Mas mabibigyan din ang mga mag-aaral ng tamang pag-iisip patungkol sa kanilang tutuparing pangarap sa buhay.