Hinihikayat ko ang aking mga kapwa Pilipino na maging mabuting mamamayan. Makakamit ito sa pamamagitan ng pagiging masunurin sa ating mga batas. Ang hindi pagkakalat ng basura ay isang simpleng paraan upang maipakita natin ang ating pagiging mabuting mamamayan. Ang pagsunod sa mga batas trapiko, pagbabayad ng buwis, pagsunod sa mga ordinansa, at ang hindi paggamit ng ilegal na druga ay isang napakalaking kontribusyon na sa ikauunlad ng ating pamayanan. Maging mabuting mag-aaral, at masunurin sa mga magulang upang magkaroon ng isang matiwasay na pamumuhay. Tayong lahat ay may pananagutan para sa ating pamayanan at sa ating bansa. Piliin natin ang nakakabuti upang hindi tayo maging pabigat sa ating bayan. Kung ito ay ating gagawin, tiyak na isa tayo sa mga yaman ng ating bansa na makakatulong sa pagkamit ng kaunlaran at kapayapaan.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

#BrainlyFast
Explanation: