Questions


September 2022 1 4 Report
.Ang mga natutunan tungkol sa People Power 1 sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga pangalan ng mga tinutukoy sa ibaba.Isang letra bawat linya.

1. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Unang babaeng naging pangulo ng Pilipinas.

2.___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Alagad ng Simbahang Katoliko na nagsilbi bilang arsobispo ng Maynila nang 25 taon

3. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Dating heneral ng sundalo na naging Pangulo ng Pilipinas

4. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Kalihim ng Tanggulang Pambansa ni Pangulong Marcos na naging senador

5. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ __ ___ ___ ____ ___ ___ ___ ___ Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986

B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang dahilan o mga dahilan kung bakit maraming mamamayan ang lumahok sa pagbatikos kay pangulong Marcos?

A. patuloy na kahirapan ng mga mamamayan
B. patuloy na pagdami ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao
C. A at B ay parehong tama.

2. Ano ang naging resulta ng pag-usbong ng mga oposisyon sa ekonomiya ng ating bansa?

A. Lumago ang ekonomiya ng bansa B. Naranasan ng bansa ang krisis sa ekonomiya
C. Higit na umangat ang ekonomiya ng bansa

3. Bakit ikinulong si Senador Benigno Aquino Jr.?

A. Naging kaibigan siya ng Pangulong Marcos
B. Naging kanang kamay ni Pangulong Marcos
C. Naging masigasig na bumabatikos at kumakalaban sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos

4. Ano ang kanyang ipinaglalaban?

A. kalayaan ng bansa laban sa diktatoryang pamamahala ni Pangulong Marcos.
B. Kalayaan laban sa mga Hapones
C. Kalayaan laban sa ekonomiya

5. Ano ang naging epekto sa mga mamamayan ng na assassinate ang Senador?

A. nagdulot ng matinding galit ng mamamayan sa paghanap ng hustisya
B. Naging mapayapa ang bansa
C. Naging masaya ang mga mamamayang

6. Bakit kaya nagkaroon ng biglaang halalan/snap election?
A. Payapa ang bansa
B. maraming lugar ng bansa ay nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya at krisis pampulitikal sa bansa dahil sa mga protesta at demonstrasyon
C. Ninais na magkaroon ng kapayapaan an gating bansa

7. Ano ang ginawa ng mga Pilipino bilang protesta sa resulta ng snap election?

A. naglunsad ng pagboboycot sa lahat ng serbisyong pagmamay-ari ng mga Marcos
B. Nanawagan ang mga tao na bumitiw sa tungkulin si Pangulong Marcos
C. A at B ay parehong tama

8. Ano ang dahilan ng pagkawala ng tiwala sa sandatahang lakas ng mga batang kasapi?

A. nagtulungan ang mga mamamayan
B. Nagkaroon ng krisis
C. Dahil sa plano ng pamahalaan na maglunsad ng coup d’ etat o pag- agaw ng kapangyarihan sa marahas na paraan.

9. Sino ang dalawang kaalyansa ni Pangulong Marcos na tumiwalag sa kanyang pamamahala?

A. manuel Roxas at Emilio Aguinaldo
B. Joseph Estrada at Juan Ponce Enrile
C. Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos

10. Ano ang ginawa ng mga batang opisyal na nawalan ng tiwala sa pamumuno ng sundalong lakas?

A. Gumawa ng samahan ang junior military officers ito ay ang Reform the Armed Forces Movement o RAM.
B. Nagkaroon ng Samahang Magdalo C. Sumanib ang iba sa Samahang Magdiwang

11. Sino ang hiningan ng tulong nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos?

A. Jaime Cardinal Sin
B. GOMBURZA
C. Padre Zamora 1

2. Ano ang naging panawagan ni Cardinal Sin sa mga tao?

A. Magdasal para sa mga sundalo
B. Magpunta sa EDSA upang protektahan ang mga sundalong nagkampo sa Krame at Aguinaldo
C. Magtungo sa Luneta Park

13. Paano tumugon ang mga tao sa panawagan na ito?

A. Nagtungo ang mga tao sa radyo Veritas
B. nagtungo ang mga madre sa Cebu upang magtitipon
C. Ang mga tao ay agad na pumunta at gumawa ng barikada sa paligid ng kampo

14. Ilang araw nagtagal ang People Power revolution I?

A. Ito ay tumagal nang 5 araw
B. Ito ay nagtagal ng 10 araw.
C. Ito ay nagtagal ng 15 araw 15.

15. Paano natin mailalarawan ang nangyaring People Power Revolution I?

A. Ito ay marahas at maraming nagbuwis ng buhay.
B. Ito ay isang “bloodless” revolution.
C. Ito ay magulong rebolusyon​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.