Siya ang isa sa mga kauna-unahang kababaihan na nagpatala bilang Katipunerang handang tumulong sa pakikidigma at nanguna sa pamamahala sa mga proyektong pinansiyal na tumutustos sa maraming gawain ng sikretong samahan. a. Gregoria Montoya c. Marina Dizon Santiago b. Gregoria de Jesus d. Trinidad Tecson
Answers & Comments
Answer:C.Marina Dizon
Explanation:
Isa sa mga naging pinakaaktibong Katipunera si Marina. Nanguna siya sa pamamahala sa mga proyektong pinansiyal na tumutustos sa maraming gawain ng sikretong samahan. Tumulong din siyang humimok sa maraming kababaihan upang lumahok bilang Katipunera. Sa maraming sumasali, binibigyang diin ni Marina ang sagradong papel na kailangang gampanan ng mga bagong miyembro. Maliwanag na itinuturo niya sa mga kasapi ang konstitusyon at mga simulaing dapat matutunan ng bawat isa.
Pinoy Edition © 2021 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/marina-dizon-santiago/