Si Papa Alejandro VI o Alexander Sextus na ipinanganak na Rodrigo Llançol i de Borja (Espanyol na Kastilyano: Rodrigo Lanzol; 1 Enero 1431, Xàtiva, Kaharian ng Valencia – 18 Agosto 1503, Roma, Mga Estado ng Papa) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1492 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1503. Siya ang isa sa mga pinakakontrobersiyal na papa ng Renasimiyento, sa isang parte dahil kinilala niya na nagkaroon siya ng maraming anak sa iba-ibang babae. Sa gayong dahilan, ang kaniyang Italyanisadong apelyido na Borgia ay naging katawagan para sa libertinismo at nepotismo na tradisyonal na itinuturing na naglalarawan sa kaniyang pagkapapa. Gayon pa man, dalawa sa kaniyang kahalili na sina, Sixtus V at Urban VIII, ang naglarawan sa kaniyang bílang isa sa mga pinakamahusay na papa buhat noong panahon ni San Pedro
Answers & Comments
Answer: