Questions


October 2022 1 1 Report
. Sino ang naging tanyag dahil sa obra niyang Spoliarium noong 1884.
A. Antonio Luna
B. Arturo Luz
C. Guillermo Tolentino
D. Juan Luna
3. Sino ang itinanghal at kinoronahan bilang Miss Universe 2015 na hindi basta-basta
susuko na abutin ang mga pangarap na nagsilbing inspirasyon sa mga Pilipino dahil sa kaniyang
karanasan.
A. Gloria Mara Aspillera Daz- Daza
B. Megan Young
C. Pia Alonzo Wurtzbach
D. Precious Lara San Agustin Quigaman- Alcaraz
4. Ano ang sumasaklaw sa mga Pilipino na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Miss Earth
B. Miss Universe
C. Overseas Filipino Workers (OFWs)
D. Philippine Statistics Authority
5. Sino ang naging bantog sa larangan ng pagtatanghal nang siya ay gumanap na Kim sa musical na
Miss Saigon.
A. Lea Salonga-Chien
B. Sarah Geronimo
C. Vilma Santos-Recto
D. Zsa- Zsa Padilla
6. Kailan pinarangalan bilang Reyna ng Kundiman si Honorata Atang Dela Rama?
A.1929
B. 1949
C. 1969
D. 1979
7. Maraming Pilipinong manlalaro ang nakilala at tumanyag sa buong mundo dahil sa kanilang angking
kakayahan at lakas. Kung ikaw ay isang manlalaro, alin sa mga sumusunod ang mga katangian ng
isang manlalaro ang dapat taglayin?
I. Hindi na ako sasali sa laro.
II. Hihingi ako ng payo sa idolo kong manlalaro.
III. Iisipin ko na lamang na mananalo ako sa larong sasalihan.
IV. Pauunlarin at lalo akong magsasanay upang makamit ang tagumpay.
A. I,II,III B. I, III, IV C. II, III, IV D. I, II, IV
8. Paano mo ipakikita ang angking kakayahan tulad ng mga natatanging Pilipino?
I. Sasali ako sa mga timpalak na angkop sa aking kakayahan.
II. Lalo akong magsisikap na paunlarin ang aking pagkamasayahin.
III. Hindi ko susundin ang nais ng aking mga magulang na sumali sa anumang larangan.
IV. Ipagwawalang-bahala ko na lamang ang aking talento dahil mahirap at magastos ang lahat.
A. I,II,III B. II,III,IV C. I,III,IV D. I,II,IV
9. Marami ang tanyag sa iba’t- ibang larangan ang nagpunyagi upang maging matagumpay sa
pagpapaunlad ng ating bansa mula sa aspekto ng agham at teknolohiya, panitikan, musika, sayaw,
paglililok, pagpipinta, at paggawa. Ano ang mga ipinapahiwatig ng mga pahayag na ito?
A. Nararapat lamang na gawin silang inspirasyon at modelo o uliran sa pagpapalaganap at
pagpapayaman ng kulturang Pilipino na nakatutulong sa ating bansa.
B. Hindi kailanman magiging maunlad ang ating bansa dahil sa mga kontribusyon ng mga Pilipino sa
iba’t-ibang larangan.
C. Makakamtan ng Pilipinas ang pag-unlad kung hindi nagpunyagi ang mga Pilipino sa
iba’t- ibang larangan.
D. Masasabing ang mga Pilipino ay tanyag sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.
10. Ang mga sumusunod ay mga pangangalaga sa ating mga OFW. Maliban sa isa, ano ito?
A. Paggagawad ng mga parangal at pagkilala sa mga OFW.
B. Pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga OFW at sa kanilang pamilya.
C. Pagsasawalang bahala sa mga OFW sa iba’t- ibang panig ng mundo.
D. Patuloy na pagpapadala ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo at
pakikipag- ugnayan sa mga kaalyadong bansa

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.