Nag-iwan ang kanilang pagkamatay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino. Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ang isa sa pinaka apektado sa pagkamatay ng tatlong pari. Dahil dito inalay nito ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo upang maging alaala ito sa tatlong pari.
Ang tatlong pari ay pinatay dahil sa paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Sila ay binitay ng mga Kastila sa pamamagitan ng garote noong Pebrero 17, 1872 sa harap ng mga tao sa Bagum-bayan na ngayon ay kilala bilang Luneta.
Inilagak ang mga labi ng tatlong pari sa walang ngalang libingan sa Sementeryong Paco.
Ano ang kahulugan ng GomBurZa?
Ang salitang GomBurZa ay pinagsama-samang bahagi ng pangalan ng tatlong martir na paring Pilipino na sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora.
Ipinangalan sa tatlong pari ang ilang bayan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Pangasinan, Quezon, Surigao del Norte, at Timog Leyte.
Ang tatlong pari ay kinilala bilang mga bayani ng Pilipinas.
Sino si Mariano Gomez?
Si Mariano Gomez ay isa sa tatlong paring martir. Isang Pilipinong pari na kasama sa Gomburza. Ipinanganak sa Sta Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799. Naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa Bacoor, Cavite. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari. Nagtagumpay din siya sa pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila.
Sino si Jose Apolonio Burgos?
Si Jose Apolonio Burgos ay isa sa tatlong paring martir. Anak nina Tenyente Jose Tiburcio Burgos at Florencia Garcia. Siya ay isinilang noong Pebrero 9, 1837 sa Vigan, Ilocos Sur. Naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez na kalaunan ay pinamunuan niya kasama ng dalawang pari na sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Sila ay nagtagumpay sa pakikipaglaban sa karapatan ng mga Pilipinong Pari.
Sino si Jacinto Zamora?
Si Padre Jacinto Zamora ay isa sa tatlong paring martir. Ipinanganak sa Pandacan, Maynila noong Agosto 14, 1835. Anak siya nina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Hindi siya nakakuha ng permanenteng posisyon sa parokya dahil sa siya ay isa lamang "indio".
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit tinuring na bayani ang gomburza?:
Answers & Comments
Answer:
Explanation: