Questions


October 2022 1 0 Report
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang SaligangBatas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito,
dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging
batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
11
4. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong
bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring
maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. Grassroots Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations
6. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay
sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at
piniling maging Pilipino.
7. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na
konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal
na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.