Questions


August 2022 1 1 Report
Sana meron maka answer nito pls lang po?

1. Ano ang tawag sa buwis na binabayaran ng mga Pilipino sa pamahalaang

kolonyal?

A. Tributo B. Boleta C. Cedula D. Encomienda

2. Kailan sinimulan ang pagkolekta ng tributo?

A. 1521 B. 1571 C. 1589 D. 1851
3. Sino ang may tungkuling sumingil ng buwis o tributo ng mga mamamayan?

A. Timawa B. Alipin C. Encomendero D. Hari ng Espanya

4. Ano ang tawag sa kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan

bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis?

A. Boleta B. Resibo C. Tiket D.Cedula Personal

5. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa sistemang tributo maliban sa isa. Alin

ang hindi kasali?

A. Ang cabeza de barangay ay tagasingil nito.

B. Naging daan ito sa mga pang- aabuso ng mga encomendero

C. Ginamit itong pantulong sa Mexico na isa ring kolonya ng Spain.

D. Ginamit ito sa pagpapatayo ng mga istruktura tulad ng mga kuta.

6. Bakit naging pahirap ang sistemang tributo sa mga Pilipino?

A. Sapilitang kinuha ang mga ari- arian sa mga hindi nakapagbayad.

B. Napabayaan ng mga katutubo ang pagsasaka sa paggawa ng mga

galyon.

C. Nakapagpatayo ng mga gusali bilang paraan ng pagpapalakas ng

seguridad.

D. Natustusan ang mga gastusin at pangangailangan ng Pilipinas bilang

isang kolonya.

7. Ano ang tawag sa sistemang nagtakda ng quota o dami ng mga ani na dapat

anihin sa isang lugar?

A. Kasama B. Tributo C. Bandala D. Kalakalang Galyon

8. Bakit naging masama ang epekto ng sistemang bandala?

A. Bumili ng mga produkto ang pamahalaan sa ibang bansa para ikalakal.

B. Napilitang maging magsasaka ang lahat ng mga mamamayan sa

lalawigan.

C. Hindi nabayaran ng pamahalaan nang sapat ang mga ani ng mga

magsasaka.

D. Hindi na pinagsasaka ang mga katutubo kapag hindi nakaabot sa

itinakdang ani.

9. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na kalakalang Maynila- Acapulco?

A. Galyon B. Vinta C. Kariton D. Balangay

10. Alin ang hindi naging epekto ng kalakalang galyon?

A. Pagkilala sa kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa ng mga barko

B. Napabayaan ang ibang lokal na produkto na hindi kasali sa kinakalakal

C. Napabayaan ang pagsasaka na naging sanhi sa kakulangan sa bigas at

pagkain

D. Pagkalugi ng mga magsasaka sa mga ibinabayad sa kanila kapalit ng

kanilang ani​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.