Questions


August 2022 1 2 Report
Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo. Gawain I: PILI-PILI! Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng mga Pilipino? A. Napabilis ang pagdadala ng mga kalakal. B. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas. C. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Espanyol. D. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa. 2. Ano ang magandang naidulot ng pagbukas ng Suez Canal? A. Humina ang pag-angkat at pagluwas ng mga kalakal. B. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. C. Maraming Pilipino ang hindi nakapag-aral sa ibang bansa. D. Bumagal ang pagdala ng mga Espanyol ng armas sa Pilipinas. 3. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa kanluran at silangan ng Pilipinas? A. Yumaman ang maraming Pilipino. B. Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa mundo. C. Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa. D. Dumating sa Pilipinas ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa ibang bansa. 4. Paano nakatulong ang adhikain ng rebolusyong Pranses sa mga Pilipino? A. Mas lalong naging pabigat sa Pilipinas ang mga Pranses. B. Nakatulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. C. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran sa loob ng bansa. D. Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pransiya kaya bahagyang nakaligtaan ang Pilipinas. 5. Ang panunungkulan ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre ay nakatulong ng malaki sa pag-usbong ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Alin ang HINDI kabilang sa uri ng kanyang pamamahala sa ating bansa? A. Nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino. B. Naipamulat niya sa mga Pilipino ang kahalagahan ng kalayaan. C. Hinatulan ng kamatayan ang mga Pilipinong lumalaban sa mga Espanyol. D. Ipinaramdam niya sa mga Pilipino na hindi sila alipin, kung hindi mamamayang bahagi ng lipunan. 6. Bakit maraming Espanyol ang tumutol sa panunungkulan ni Carlos Maria de la Torre bilang gobernador – heneral ng bansa? A. Pagpapatapon niya kay Rizal sa Dapitan. B. Pagpapatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya. C. Pagbibigay niya ng mataas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan. D. Pagbibigay niya ng magandang pribilehiyo at pakikitungo sa mga Pilipino.7. Ano ang hindi epekto ng paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir? A. Maraming Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol. B. Maraming Pilipino ang nag-alsa sa mga patakaran ng mga Espanyol. C. Mas lalong napabilis ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. D. Maraming Pilipino ang natuwa at kumampi sa mga Espanyol. 8. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir, MALIBAN sa isa. A. Maraming Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol. B. Mas napabilis ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. C. Maraming Pilipino ang natuwa at kumampi sa mga Espanyol. D. Maraming Pilipino ang nag-alsa sa mga patakaran ng mga Espanyol. 9. Alin ang HINDI kabilang sa panggitnang uri sa pagsibol ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino? A. Peninsulares at insulares. B. Mga mahihirap na Pilipino. C. Mga ilustrado at mestizong Espanyol. D. Kapitan at ang kaniyang mga kamag-anak. 10. Alin ang HINDI kabilang sa mga salik ng pag-usbong ng kamalayang nasyonalismo sa Pilipinas? A. Pagdagsa ng liberal na kaisipan. B. Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa. C. Pag-usbong ng uring mestizo at ng panggitnang uri. D. Pagbubukas ng mga daungan sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.