1. Si Thomas Hobbes ay isang pilosopo mula sa Inglatera. Pinakatanyag sa kanyang mga isinulat ay ang kaniyang Leviathan.
2. Ipinanganak noong Abril 5, 1588 sa Westport, Wiltshire England. Ang kanyang ama nagngangalan ding Thomas, habang hindi naman alam ang pangalan ng kaniyang ina.
3. Nag-aral siya sa Magdalen Hall na may kaugnayan sa Hertfort Collage, Oxford noong 1603. Nagkaroon ng impluwensya sakaniya ang kanilang principal na si John Wilkinson.
4. Nakuha niya ang B.A degree niya noong 1608 at inerekomenda ni Sir James Hussey bilang tutor sa anak ni William Cavendish at nagkaroon ng koneksyon sa pamilya simula noon.
5. Kasama ang anak ni Cavendish, inikot nila Hobbes ang Europa kung saan namulat siya sa siyentipik at kritikal na pamamaraan .
6. Naging bunga ng kaniyang masusing pag-aaral sa mga manunulat na Griyego at Latin ang pag-sasalin niya sa salitang Ingles ng Thucydides History of the Peloponnesian War noong 1628.
7. Sa sumunod na pitong taon ay lumawak ang kaniyang kaalaman sa pilosopiya. Naging isa siyang regular na debatista sa Florence noong 1636. At noong 1637 ay kinonsidera niya ang sarili bilang isang pilosopo at iskolar.
8. Ang kaniyang pinakasikat na libro na Leviathan ay ginawa niya sa Paris. Nakasaad dito ang paniniwala ni Hobbes tungkol sa pundasyon ng estado at lehitimong pamahalaan na nagmula sa teorya ng social contract.
9. Sinulat ang Leviathan sa panahon ng English Civil War, at ipinakikita sa libro na ito ang pangangailangan sa isang malakas na sentrong otoridad upang mapigilan ang kaguluhan.
10. Inilarawan ni Hobbes ang buhay kung walang gobyerno at tinawag niya itong state of nature. Sa kalagayang ito, lahat ng tao ay may karapatan sa lahat ng bagay sa mundo at magreresulta ito sa tinawag niyang “digmaan ng lahat laban sa lahat”
11. Ayon pa kay Hobbes ang lipunan ay dapat sumailalim sa isang superyor na kapangyarihan, at ang lahat ay dapat magsuko ng ilang karapatan para sa kanilang proteksyon. Lahat ng pagabuso sa kapangyarihan ay kabayaran lamang ng kapayapaan.
12. Pinaniniwalaan din ni Hobbes na ang gobyerno ang dapat kumontrol sa sibil, militar, hukuman, at pangsimbahang kapangyarihan.
13. Naniniwala si Hobbes na ang gobyerno ay dapat may lubos na kapangyarihan upang mapigilan ang anumang kaguluhan sa estado.
14. Inakusahan si Hobbes ng pagiging isang Atheist o hindi paniniwala sa Diyos, dahil sa ang kaniyang mga turo ay maaring magresulta sa Atheism.
15. Noong Oktubre 1679, nagkaroon si Hobbes ng bladder disorder, na sinundan ng paralytic stroke na naging sanhi ng kaniyang kamatayan noong Disyembre 4 ng taong ding yon. Sinabi niya ang mga katagang “A great leap in the dark” bago siya pumanaw.
16. Mga Gawa ni Hobbes • Three of the Discourses in the Horae Subsecivae • Translation of Thucydides History of the Peloponnesian War • The Elements of Law, Natural and Politics • Treatise of Human Nature • De Cive • Leviathan
17. • De Corpore • De Homine • Letters upon Liberty and Necessity • English Translation of Homer’s Iliad and Odyssey
18. References • Internet – Iep.utm.edu/hobmoral/ – Rjgeib.com/thoughts/nature/hobbes-bio • Books – Perry, A History of the World: Revised Edition
Answers & Comments
Answer:
Thomas hobbes