Sa tingin niyo bakit hindi nila magawang tanggalin sa posisyon ang corrupt na gobyerno dito sa pilipinas at bakit hindi nila ibangon ang bansa at ang iniisip lang nila ay ang kanilang sariling pera at kapakanan? Bakit madaming uto utong sibilyan na umaasa sa pekeng ugali ng isang senator at inaasa sakanila lahat at hindi naghihirap magtrabaho? Teenage pregnancy rate ay stonks at ito ay nakakaines sapagkat mas dumadami lang ang pabigat sa lipunan at kaya sila naghihirap¿
Answers & Comments
Answer:
Alam na naman natin na ang Pilipinas ay naghihirap dahil sa matinding korapsyon. Sa tingin niyo po mayroon ba itong solusyon upang tayo makalaya sa kahirapan at ang ating inang bayan ay umunlad ? Bago natin talakayin ang mga solusyon talakayin muna natin kung ano ba talaga ang korapsyon?
Ayon sa isang website ang “Korapsyon” ay tumutukoy sa isang taong kawalan ng itegridad at Katapatan. Karaniwang pampolitikal na pangyayari lalo't kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalu na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa mundo. Sa tingin ko hindi lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalu na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga taxpayer.
Maraming mamamayan ang nag-aakala na walang direktang epekto sa kanila ang korapsyon ngunit ang totoo, lahat tayo ay apektado nito!
Maraming beses na itong nangyari sa bansa.May mga politiko talagang talamak sa serbisyo o kaya corrupt at mga ahensyang talamak din ang kanilang serbisyo sa mamayan kaya sobrang naghirap.Ayon sa isang survey naghirap ang bansa noong taong 2011 dahil sa korapsyon. Kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na naging gahaman sa kapangyarihan sa taon na iyon,ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano.Pumapangalawa naman ang PNP(Philippine National Police) sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011, Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso). Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.Biruin niyo! Milyon milyon ang nawawala sa ating kaban ng bayan sa taong 2011-2012.
Ayon sa isang pahayagan:
"Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa