Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula
sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang
Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing
nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng
pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos
bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete.
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.
Ang mga Polis
Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko.
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot
Ang Athens at ang Pag-unlad Nito
Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isalamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.
Ang Banta ng Persia
Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma.
Digmaang Peloponnesian
Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League.
Answers & Comments
✒ANSWER✒
KATAWAGAN: GREEK GRESYA GREECE
Ang mga Minoans

_I HOPE ITS HELPS_