Tayo ay nabubuhay na iba’t iba ang kalagayan. Magmumula tayo sa lahat ng bansa at maraming kultura patungo sa kaharian ng Diyos. Nalalaman natin mula sa karanasan na masaya tayo kapag tayo’y nagkakaisa. Hindi ito maipagkakaloob sa atin ng Ama sa Langit nang hiwa-hiwalay tayo. Ang galak sa pagkakaisa na gustung-gusto Niyang ibigay sa atin ay hindi sa pag-iisa. Hangarin natin ito at maging marapat para dito na kasama ang iba. Hindi nakakagulat kung gayon na hinihimok tayo ng Diyos na magtipon upang mapagpala Niya tayo. Nais Niya tayong magtipon sa mga pamilya. Nagtatag Siya ng mga klase, ward, at branch at inutusan tayong magkita-kita nang madalas. Nasa mga pagtitipong iyon, na nilayon ng Diyos para sa atin, ang ating malaking oportunidad. Magagawa nating ipagdasal at pagsikapan ang pagkakaisang magpapasaya at magpapaibayo sa kapangyarihan nating maglingkod. Bukod pa sa mga ordenansa, may mga alituntunin tayong sinusunod bilang isang grupo na humahantong sa higit na pagkakaisa.
Answers & Comments
Answer: